Renz Fernandez, kaya nang makipagsabayan sa kuyang si Mark Anthony

IN FAIRNESS, ang daming pumuri kay Renz Fernandez na nag-guest sa

Magpakailanman nu’ng nakaraang Sabado kasama ang kuya niyang si Mark Anthony Fernandez.

Katatapos lang ng kontrata ni Renz sa ABS-CBN 2 kaya tinanggap na niya ang guesting na ‘yun sa GMA 7.

Nag-enjoy itong binatang anak ni Lorna Tolentino dahil kasama pa niya ang Kuya Mark niya at napaarte siya nang husto.

Bongga nga raw ang guesting niyang ‘yun na dinirek ni Adolf Alix, dahil binigyan daw talaga ito ng acting coach para magampanan niya nang maayos ang role na binigay sa kanya.

Medyo mabigat kasi ang role na ginampanan nila ni Mark kaya kailangang mapaarte nang maayos.

In fairness naman kay Renz, nabigay niya nang maayos ang role na iyun at pinuri siya ha!

Tingin ko magkakainteres ang GMA-7 sa kanya para maging Kapuso artist na siya. Type naman ni Lorna ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

5 thoughts on “Renz Fernandez, kaya nang makipagsabayan sa kuyang si Mark Anthony

  1. KOREK KA JAN, LOLIT. NAGULAT NGA AKETCH JAN KAY RENZ, MAGALING PALANG UMARTE ANG LOLO MO. ACTUALLY, SI MARK ANG O.A. SA MAGPAKAILANMAN.

    • true! napanood ko din sila magkapatid sa “magpakailanman”… OA nga si mark at si renz magaling nga palang umarte ang batang yan. well, merong pagmamanahan, LT? paging GMA, projects for Renz please?

      • KORAK! KAYA DAPAT BIGYAN NG ACTING JOBS ITONG SI RENZ. OPPOSITE NA OPPOSITE NG KUYA NYANG SI RALPH NA PARANG ABNOY. SA TRU LANG. KULOT NA TAYU-TAYO ANG BUHOK, PARANG NAKAMULAGAT ANG MGA MATA, TAPOS, VERY UNCOMFORTABLE SA CAMERA NA PARANG NAIIHI. NAKATAPOS NAMAN YATA NG FILM MAKING YON, SO DUN NA LANG SYA, SA LIKOD NG CAMERA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.