Rental Contract ng Malaysia sa Sabah, Iminungkahing Ibasura

IMINUNGKAHI NG isang opisyal ng Philippine Constitution Association (Philconsa) sa Sultanato ng Sulu na ipawalang-bisa ang kontrata ng Malaysia sa pagrenta ng Sabah upang maangkin ang nasabing lugar.

Sa pagbisita ni Philconsa Vice President Rafaelita Gonio kay Sultan Jamalul Kiram III, sinabi nitong kung maite-terminate ang rental contract ay mababawi na ng Pilipinas ang kontrol sa Sabah.

Maaalala na iginiit ng Pamilya Kiram na nirerentahan lamang ng Malaysia sa Sultanate of Sulu ang Sabah. Samantala, ipinakita pa nito ang mga tsekeng nagpapatunay na nagbabayad ang Malaysian government taun-taon.

Nilinaw rin ni Gonio na sarili niyang opinyon ang pahayag at hindi rin siya tiyak kung magiging madali ang pag-terminate sa kontrata.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.