Renovations sa Arroyo Suite, Minamadali

DOUBLE TIME na umano ang ginagawang improvements sa presidential suite ng Veterans Memorial Medical Center sa (VMMC) sa Quezon City para sa naka-takdang paglipat ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa darating na Biyernes.

Ayon kay Atty. Laurence Arroyo, inaasahan umano na bago ang itinakdang petsa ng korte ay matatapos na ang renovations sa bath tub, flooring ng banyo at kama ng presidential suite.

Tiniyak din ng abogado na tuloy ang paglilipat ng former president sa VMMC sa itinakdang araw.

Paliwanag ng opisyal, maayos na umano ang me-dical conditions ng dating

Pangulo at sa katunayan ay nakapaglalakad na ito sa loob ng kanyang kuwarto sa St. Luke’s Medical Center.

Hindi malaki ang gagastusin ni CGMA sa VMMC taliwas sa agam-agam ng ilang sektor sa babayaran ng pamahalaan sa kanyang pananatili sa government hospital, ani Arroyo.

Samantala, nakipagpulong na si PNP chief Director General Nicanor Bartolome sa kampo ng dating pangulo para ayusin ang ipatutupad na seguridad sa paglipat ng dating pangulo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.