Relokasyon sa mga Iskwater, Totohanin na – PNoy

PINATITIYAK NI Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na hindi magiging lokohan o ‘drawing’ lang ang balak na paglilikas sa nasa 20,000 pamilyang nasa estero.

Ayon kay Interior Sec. Mar Roxas na ipinag-utos mismo ng Pangulong Aquino na hindi dapat hanggang plano o papel lang ang relokasyon at kailangang may matapos sa loob ng taon.

Sinabi ni Roxas na may kongkretong plano ang pamahalaan at katunayan dito ang nasa walong libong bahay na naitayo ng National Housing Authority (NHA) na maaari nang paglilipatan.

Tiniyak din ni Roxas na sapat ang resources at kailangan lamang ng konting panahon para maipatupad ang planong matagal nang tinalakay sa Pangulo.

Inamin naman ni Roxas na may pagpipilian pa ang mga informal settlers kung saan sila papalipat, kung malapit sa trabaho o okay lang na medyo malayo sa pinagtatrabahuhan.

Una rito, binigyang-diin ni MMDA chairman Francis Tolentino na dapat paigtingin din ang pagpapatupad ng zoning ordinances maliban sa paglilikas ng mga nakatira sa estero.

Ayon kay Tolentino, mistulang napapabayaan ang mga waterways kung saan pinapatayuan ng mga istrukturang sagabal sa daloy ng tubig.

Sinabi ni Tolentino na kabilang dito ang mga supermarkets at grocery stores na mistulang kabuteng tumutubo sa waterways.

Samantala, lalo pang sumisikip ang mga drainage dahil barado ng mga basura at hindi kakayanin ang bu-mabagsak na ulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.