Religious Youth Leader, Ginahasa at Pinatay

SUGATAN AT puro pasa at wala nang buhay nang matagpuan ng mga kaanak ng biktima ang isang 19-anyos na dalagita na isang religious youth leader sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon sa lola ng biktima na si Ursula, hindi umano nila nakasama sa pagsalubong sa Bagong Taon ang apo niyang si Riza Baybay at sa bahay ng isang kaibigan ito nagpunta at pinauuwi alas-9:00 ng umaga noong Enero 1.

Pahayag naman ng kaibigan ng biktima na doon nga sa kanilang bahay nagdiwang ng Bagong Taon ang dalaga, subalit umalis din ito ng umaga gaya ng bilin ng lola nito.

Natapos ang mag-hapon subalit walang Riza ang umuwi at la-king panlulumo na lamang ng lola nito nang matagpuan ang bangkay nito alas-9:00 ng umaga sa isang masukal na lugar.

Walang saplot sa katawan, puro sugat at pasa at maging ang maselang bahagi ng dalaga ay may bahid ng sugat kaya hinala ng awtoridad na ginahasa muna ang dalaga bago ito pinatay.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.