Pulandit: Religious leader na mas matakaw pa sa demonyo!

IPAGTATANGGOL KO NAMAN ang Comelec sa mga tirada sa kanila na ang folder na kanilang tinangkang bilhin ay wala pang sampung piso ang halaga.

Marami lang kasi talagang malisyoso at tamang-dudang mga tao na mahilig magpakalat ng intriga para wasakin ang integridad ng isang komisyong pinagtitiwalaan ng mga kasamahan nila sa komisyon.
Ang totoo, P38 ang tunay na presyo ng secrecy folder at hindi sampung piso tulad ng mga alegasyon.

At ang dahilan kung bakit umabot ng P380, dinagdagan lang naman sa dulo ng bilog na talagang hugis itlog.

Pero ang hindi nauunawaan ng mga bumabatikos sa Comelec, mahal talaga ang folder na kanilang nakuha kaya umaabot nang mahigit tatlong daang piso.

Una, ang folder na iyon ay mahaba sa karaniwang nabibili sa bookstore. Pangalawa, water proof dahil may balot na plastic para kapag pinagpawisan ang mga botante sa pag-iisip ay hindi mababasa.

Pangatlo, may nakaiipit na Playboy magazine dahil sa haba ng balota, tiyak na maiinip ang mga botante. Pang-apat, bullet proof ang folder na puwedeng gamiting panangga ng mga botante kapag nagkabarilan ang mga sakim na kandidato. At ang pinakahuli, lumilipad ang folder na ‘yun na masasakyan ng mga taga-Comelec kapag tumakas na sila after election.

BUMABALIGTAD ANG AKING sikmura na makitang naninikluhod ang mga kandidato sa mga religious leader.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang impluwensiya ng mga impostor na maka-Diyos na ito na kaya nilang magpanalo ng mga kandidato.

Okey pa rin sana kung natatapos lang sa endorsement ang kanilang ginagawa sa mga nauutong aspirants. Iyon bang tipong kapag nagwagi na ang kanilang tinulungan ay magmimistulang kuhol na papasok na sa kanilang shell at hindi na makikitang muli kung hindi kailangan.

Ang problema, may mga religious leader na mas matakaw pa sa demonyo kung kumita sa mga proyekto!

Walang ginawa kung hindi pagbantaan ang mga naipanalo nilang kandidato kapag hindi ibinigay ang gusto.

Bukod sa mga projects, ang ilang religious leader ay may mga request appointments pa ng kanilang mga bata sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ang iba naman, kumukuha ng kontrata sa gobyerno. May mga nahihiya na nagpapadala lang ng emisaryo subalit may mga likas na maitim ang buto na sila mismo ang nagpupunta at tumatawag sa department heads para papirmahan ang kontrata o appointments.

Kilala n’yo marahil ang ilan sa tinutukoy nating mga astang maka-Diyos na walang ginawa kung hindi kaladkarin ang kanyang grupo para magkamal ng salapi.

Kung sa bagay, mukhang tama ang sinasabi sa Bibliya na mag-ingat sa panahong darating ang mga Bulaang Propeta.

Ito na ang panahong iyon, dito sa ating bayan, kahit saan ka malingon, may mga bagong lumulutang na maka-Diyos na may hawak ng Bibliya at kumikilos na parang DI o dance instructor!

HINDI SANA PREPARASYON sa failure of elections ang serye ng brownouts, ang maling ink sa security markings ng balota, ang kanselasyon ng pagbili ng gintong secrecy folder.

Sa mga nagbabalak gumawa ng kaguluhan para mabalewala ang eleksiyon, parang awa n’yo na, bigyan naman natin ng tiyansang makausad ang bayan.

Wala tayong ibang bayan, Pilipinas lamang ang tunay nating mahal.
Marami na kayong kinita, marami na kayong isinakripisyo para sa inyong mga sariling interest. Wasak na ang halos lahat ng institusyon ng pamahalaan, ibalato n’yo na sa bagong henerasyon ang paparating na eleksiyon.

allanpung@yahoo.com

Pulandit
Allan Encarnacion

loading...

6 thoughts on “Pulandit: Religious leader na mas matakaw pa sa demonyo!

  1. Basahin nyo itong pahayag ni Senator Enrile tungkol sa balitang may tupak si NoyNoy Aquino. Gusto nyo ba’ng magkaroon tayo ng presidente na katulad ni Caligula?

    April 13, 2010
    Visited 8 times, 8 so far today
    under Balita
    Post Tags: Balita, Juan Ponce Enrile, news

    NARARAPAT LAMANG NA suriin ang pag-iisip ng isang kandidato, lalo na ang tumatakbo sa pagkapangulo, ang kundisyon nito sa kalusugan.

    Ito ang binigyang-diin ni Senate President Juan Ponce-Enrile, kaugnay ito sa kumakalat umanong pekeng psychiatric report laban kay Sen. Benigno “Noynoy Aquino III, na lumalabas na umano’y may problema sa pag-iisip.

    “That is fair game, dahil he’s going to be the president of the country. He has to make decisions. Eh, kung may topak? Pa’no ‘yun? Dapat na mentally at emotionally stable ang mga kumakandidato sa pagkapangulo,” diin ni Enrile.

    Sinabi pa ni Enrile na kung hindi nabibigyan ng kaukulang pagsusuri sa pag-iisip ang isang kandidato, maaring maging kagaya sila ni Roman Emperor Caligula na ginawa niyang consul ang kabayo niya.

  2. Mag-isip tayong mabuti sa pagpili ng magiging presidente natin. Kung dahil lang sa nakipagbreak yong girlriend ni Noynoy eh, nadepress na s’ya, papaano na kung maging presidente na sya? Makakaya ba nyang harapin ang mabibigat na problema? Nagpatingin sya sa psychiatrist noong 1996, nakakasiguro ba tayo na magaling na sya ngayon? Alalahanin natin na isang dahilan ng depression ay genetic, yong sinasabing nasa dugo. Mahirap gamutin ito. Babalik at babalik ito anumang oras na magkaproblema ng mabigat ang pasyente.

    Huwag tayong magpadala sa pag idolo sa isang tao. Presidene o mamumuno ng ating bansa ang hinahanap natin. Nakasalalay sa mga kamay n’ya ang ikabubuti o ikasasama ng ating bansa. Lawakan natin ang ating pagsaliksik at pag-unawa sa katotohan.

    NOYNOY AQUINO IS PSYCHOLOGICALLY AND MENTALLY INCAPABLE TO BECOME PRESIDENT OF OUR COUNTRY.

    IF HE IS MENTALLY INCAPABLE TO GOVERN, THEN WHO WILL DO IT ON HIS BEHALF? MAYBE KRIS AQUINO YAP, MAYBE THE COJUANGCO-AQUINO CLAN THAT ARE ALL CORRUPT, MAYBE THE MAKATI BUSINESS CLUB THAT ARE ALL CORRUPT, MAYBE THE BLACK AND WHITE MOVEMENT THAT ARE ALL TROUBLEMAKERS, MAYBE JOJO BINAY WHO IS ALSO CORRUPT.

    INVESTIGATE, INVESTIGATE, INVESTIGATE. THINK,THINK. THINK. DON’T LET YOUR VOTE ELECT AN IMBALANCE PRESIDENT.

    I am not endorsing any presidential candidate. It’s your responsibility to do the right thing for our country.

  3. I did my research. It’s absolutely true. The truth will definitely surface, just wait and see. Of course ABS-CBN will deny it. Cory Aquino is the reason they still exist. They will defend Cory’s children at all cost. Did you watch carefully Noynoy’s face when asked about this psychiatric issue? He is almost losing it. His demeanor explains itself.

    How would you like to have a DROOLING (tumutulo and laway) president? DEFINITELY NO!!!

    I am not a Villar supporter. I am a Filipino who only wants what’s best for my country.

  4. hoy Lane BOBO dami mong paliwanag dyan eh di namn totoo yung lu,abas na report na psych test yung mismong sinabi nakapirma sa report na pari ang nagsabi peke ito anu yun sinungaling si father caluag hehehe. kaya walang nangyayari sa pinas dahil sa mga katulad mong bopols dami dakdak di namn nagiisip kung tama o tooo yung pinagsasabi….engot

  5. There’s no question, Noynoy a little bit abnormal. Watch him talk, walk, listen to his ideas, and you can judge for yourself. Lane is definitely correct. Noynoy is psychologically and mentally imbalance and therefore incapable of governing our country.

  6. Nabasa nyo na ba ang pinakabagong balita ngayon naPsychiatric record ni Noynoy galing sa Ateneo? Hanapin nyo sa internet basta i type nyo lang sa search ang “Noynoy sira ulo” tapos mamili nalang kayo ng websites.

    Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

Leave a Reply

Your email address will not be published.