Relief Operations, Mabagal Dahil sa Pulitika at Red Tape

PULITIKA AT red tape umano ang nagiging dahilan kumbakit marami pa ring mga biktima ng kalamidad sa lalawigan ng Leyte ang hindi naaa-butan ng relief goods.

Sinabi ni 4th district Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez na dahil sa pulitika at red tape ay nagkakaroon ng problema sa pamamahagi ng relief goods sa western portion ng lalawigan na lubhang sinalanta ng bagyong Yolanda.

Dahil dito kaya’t hindi pa rin nakararating sa kanyang distrito ang relief goods habang ang kanyang mga constituents ay nanghihina na dahil sa matinding gutom.

Ayon pa sa kongresista, bagama’t malaking problema ang mabagal ng delivey ng relief goods, nakadaragdag pa rito ang pakikialam ng ilang opis¬yal sa kabila ng mahirap na sitwasyon.

Bukod sa mabagal na pagde-deliver ng tulong sa kanilang lalawigan, maproseso din pagdating ng relief goods.

Ito’y dahil ibinabagsak pa umano ang relief goods sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gumagawa naman ng sistema, subalit ang dami na umanong naghihintay bago pa maipamigay ang mga ito.

Iginiit pa ni Torres na umiiral pa rin talaga  ang pulitika dahil hindi maipamigay ng DSWD ang relief goods kapag walang utos ng alkalde o kung walang endorsement ay hindi ito maaa-ring ipamigay sa mga nangangailangan.

Samantala, inihalimbawa pa ng mambabatas ang salaysay ng isang kagawad ng barangay na humihingi ng relief goods upang maipamigay sa kanyang constituents pero ipinagtabu-yan lang dahil sa pulitika.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.