Relasyong Sam Concepcion at Jasmine Curtis-Smith, lantaran na

Sam-Concepcion-Jasmine-CurtisNITONG NAKARAANG 30th PMPC Star Awards For Movies na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire, habang nasa backstage kami ng mga kasamahan sa panulat na sina Kuya Joe Cesar at Rey Pumaloy para mag-interbyu ng mga bisitang artista, namataan namin si Sam Concepcion na talagang binabatayan at sinamahan habang tsinitsika rin si Jasmine Curtis-Smith.

Hindi naman sila ‘yung tipong sweet na sweet para kami maasiwa, pero nakababad talaga si Sam sa tabi ni Jasmine, kaya nakaaaliw silang tingnan.

Mabait naman si Sam, kaya nu’ng hindi na ako makatiis ay hinarbat ko na muna siya para makatsikahan namin. Sa aming kuwentuhan, halatang in love si Sam kay Jasmine, dahil ang saya-saya niyang magkuwento tungkol sa kanilang closeness. Medyo healthy na siya ngayon na ang guwapo-guwapo. Pero kahit okey sila ni Jasmine ay wala siyang eksaktong sagot kung sila na ba talaga, pero happy raw silang dalawa.

Mabait din naman si Jasmine, dahil nu’ng siya naman ang hiwalay naming makatsikahan ay sinasang-ayunan niya ang mga sinasabi ni Sam. Na masaya raw silang dalawa sa kanilang closeness ngayon.

Kikay si Jasmine sa kanyang sagot sa tanong namin kung may relasyon na ba sila ni Sam. Kami na lang daw kasi ang bahalang manghula kung ano sa tingin namin ang estado na ng kanilang closeness.

Na sa tingin namin, mag-on na nga sila, kaya masaya silang dalawa. ‘Yun na!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Relasyong Sam Concepcion at Jasmine Curtis-Smith, lantaran na

Leave a Reply

Your email address will not be published.