Relasyong Ruffa-John Lloyd, lumilinaw na!

WALANG PINAMILIAN SI Ruffa Gutierrez kundi ang aminin na sila nga ni John Lloyd Cruz ang nakunan ng litrato na papasok sa isang hotel sa Amerika na naging headline pa ng pahayagang ito kamakailan.

Pero nilinaw ni Ruffa na ihinatid lang niya du’n ang aktor, saka nag-dinner sila, bukod du’n ay wala na. Pero ayon naman sa kampo ng aktor, nu’ng Mayo pa ay karelasyon na ni JLC ang aktres-TV host, may unawaan na sila. Katatapos lang mag-break noon nina John Lloyd at Liz Uy.

Ngayon, hindi na magtatanong pa ang marami tungkol sa totoo nilang relasyon. Hindi man sinasadya ay nasasagot nang isa-isa nina Ruffa at JLC kung ano ang tunay na relasyong namamagitan sa kanila.

Libre naman si John Lloyd, tapos na ang relasyon nila ni Liz. Si Ruffa naman, isinasaayos na ang nakaraan nilang relasyon ni Yilmaz Bektas para masabing libre na rin itong makipagrelasyon sa iba.

Nasa wastong edad na silang pareho para malaman kung ano ang tama at mali. Matatalino naman sina Ruffa at JLC, alam nila kung ano ang kanilang pinasok.

Ang tanong, ngayong unti-uni nang naglalabasan ang mga impormasyon tungkol sa namamagitan kina John Lloyd at Ruffa, kumontra pa rin kaya ang ina ni Ruffa sa kanila?

Nu’ng nakaraang selebrasyon ng kaarawan ni Ruffa, meron itong sinabi bago hinipan ang kanyang birthday cake, “Mommy, hindi na ako bata na tulad nina Lorin at Venice. May sariling isip na ako.”

Read another Cristy Fermin article for this issue: Fans ni Sarah Geronimo, OA na!

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

19 thoughts on “Relasyong Ruffa-John Lloyd, lumilinaw na!

  1. go!!!go!!go!!ruiffi @ jlc aminin nio na mag couple nkayo.wla nman msama us long na msaya kyo at wla kyong inaapkang tao.gudluck!!!!!!!!!!!!muuhha

  2. hai anu ba yan bt gnun kaibigan ni ruffa c liz
    taz best friend pa ni raymond c liz taz ngaun c ruffy and jlc
    hai cguro nsaktan tlga c liz ng sobra kya ng punta cla ng europe . hai jlc ang dmi nmn dyan bt sa may anak pa hmmm :( sna mging masaya ka sa rel. mo ngaun wid mama ruffy

  3. sila lang nmn ngssbi me romance involved..jlc never said n e thing…they are just using JLC. kakahiya naman kung ung guy nde sinasabi nililigawan ka pero feel ng girl nililigawan xa ano labas non? assuming naman mga gutierrez eh… I’ll only believe once JLC admit it so.

    tsaka hello we are too smart for you ms. annabel…You conditioning our mind to give in to this pairing…delikadeza naman…..kadiri kaya….

  4. Himala wala ata nasabi masama ang panget na basura na si Fermin. Well good job Im sure takot mo lang kay Annabel kasi may utang ka pa milyon sa kanya dahil sa libel case mo! Wala naman pala ang tapang mo eh.

    Going back to the topic, wala tayong karapatan husgahan ang sino mang tao na umiibig. Hello love is blind nga. If what they feel is true then kahit sino pa ang mag ibigan we should be happy for them. Hindi din natin dapat turuan si JLC o si RG kung sino ang dapat nila mahalin ng dahil lang sa bagay sila. Im sure kung kayo ang sabihan ng magulang nyo na ibigin nyo yun tao na mas bagay sa inyo eh hindi kayo papayag lalo na kung may iba kayong mahal di ba?? So guys stop hatin and just spread some love especially to your idols.

    Ok

  5. hoi makahusga kayo kay ruffa and jlc! wala keyo pakelam sa buhay nila mga atupagin nyo mga buhay nyo pwe!

  6. HINDI SILA BAGAY!!!..MAS BAGAY SI JOHN LLOYD AT SARAH!!.MATANDA NA SI RUFFA.!!!..HINDI TLGA CLA BAGAY!!!.BLEE!!!.SORRY KAYO PERO MAS BAGAY SILA NI SARAH!…xP

  7. Ang cute nila! Yey! Ang saya ko pag may mga taong in love. Sana lahat ng tao maging masaya din sa kasayahan ng ibang tao. Pakialaman ba sila! Go ahead ruffa and JLC! Life is too short. Have fun!

    Yang mga against sa inyo, sa opinyon, ay mga taong mahirap maging in law. Mga pakialamera… hmmppph!

  8. wag tayong bitter mas masama kung nagpatuloy syang nag two-time di ba? kung ikaw si liz gugustuhin mo pa bang makipagrelasyon sa isang lalaking iba na ang mahal??

  9. may 2 anak na yan so nasan na ung values na meron ka ha john llyod ! bumalik ka nlng sa dati mong gf na c liz

    • Yes, I think it’s better. I am not John’s fan but this is my recommendation. Stop your craziness. Imagine, matanda at may may 2 kids? If I were you, you better stay with Liz. Or marami naman diyan huwag lang kay Ruffa dahil halos Nanay mo na siya. Iyong MGA ANAK niya ay halos kapatid mo lang eh. For sex funs issues, okay lang..go..go..go! Pero for serious relationship, naku…kawawa ka namn. Wake up. open your eyes and mind, ok? Iyon lang po.

Leave a Reply

Your email address will not be published.