RELASYONG RAYVER CRUZ-CRISTINE REYES, MATIBAY KAHIT INUULAN NG INTRIGA!

IN THE NEWS na naman si Angelica Jones. Balitang-balita na nakipagsabunutan ito sa nanay ng isang konsehal sa San Pablo, Laguna.

Ang tsika, nakipagtalo yata ang Angelica sa madir tungkol sa project niyang bottled classroom para sa kanilang lugar. Mula sa pagtatalakan ay nauwi raw sa pisikalan ang lahat at nakipagsabunutan daw ang board member ng Laguna.

Two weeks ago ay pumutok din ang kontrobersiya kay Angelica nang masangkot ang pangalan niya sa love affair nina Illac Diaz at Julia Clarete. Buong ningning na sinabi ni Angelica sa isang interview na 8 months silang exclusively dating ni Illac. Ang nakakatawa, mukhang wala pala itong katotohanan dahil itinanggi ni Illac ang claim ng actress-politician.

Tiningnan namin ang tweets ni Angelica sa kanyang iamangelicajones Twitter account at nakapagtatakang wala siyang posts doon. Mukhang tama ang sinabi ni Angelica sa isang interview niya sa Paparazzi na hindi talaga kanya ang Twitter account na ‘yon.

Ano ba itong si Angelica at puro ka-cheap-ang issue ang kinasasangkutan lately. Talaga yatang nagpapakakontrobersiyal ang hitad. Gusto niya yatang umingay nang husto ang kanyang pa-ngalan, kaya kahit na ka-cheap-an ay pinapasukan niya.

NAPANOOD NAMIN SA TV ang Talentadong Pinoy Grand Championship night at namangha talaga kami sa ipinakitang ta-lent ng siyam na grand fina-lists. Tumayong talent scouts ang mga celebrities na sina Joey de Leon, Ruffa Gutierrez, Annabelle Rama, Lani Misalucha, Richard Gomez, Tuesday Vargas, Alice Dixson, Kitchie Benedicto, Cong. Lucy Torres-Gomez, at Audie Gemora, at lahat sila ay aminadong nahirapan sa pagdya-judge.

Ang mga grand finalists ay ang Fire Attraction from Cebu; si Beatbox Gor mula sa Davao; si Joseph The Artist from Laguna; si Sfazhiva na pole dancer mula sa Caloocan; ang dance duo na RR Friends from Cavite; ang music trio na New Born Divas from Quezon City; ang The Believers mula sa Muntinlupa; ang Belinda Adora’s Stepkids na wildcard contestants from Antipolo at ang Zion Show na taga-Cainta.

Bet naming magwagi si Joseph dahil sa napakagaling niyang pagguhit ng larawan gamit ang sand. Teary-eyed ang lahat ng judges sa kanyang ginawa nung grand finals. Since advance ng one day namin tina-type ang column na ito ay hindi namin alam kung sino ang tinanghal na Talentadong Pinoy grand champion.

Whoever he or she may be, siguradong deserving niya ang kanyang panalo.

BLIND ITEM: AYAW lang si-gurong maging broken family ng isang dating junior action star kung kaya hinahabaan niya ang pasensiya sa kanyang asawang aktres. Minsan kasi ay tinopak ito. Lahat ba naman ng kasambahay ay inutusan nitong isara ang lahat ng pintuan ng kanilang bahay at wala raw papapasukin.

Siyempre, utos ng amo, kaya sunod naman lahat ng kasambahay. Ang kaso, wala pa pala sa balaysung ang actor dahil may ta-ping ito. At nang umuwi ito, nagulat na lang dahil hindi siya pinagbuksan ng mga maid of cotton. ‘Yun daw kasi ang bilin ng kanyang asawa, na walang papasukin kahit na sino.

Pilit na lang inunawa ng actor ang kakaibang trip ng kanyang misis. Nang sumunod na taping ng actor, kaagad na nagbigay ng war-ning ang alalay nitong ‘wag biruin ang kanyang amo dahil kulang pa ito sa tulog.

Sinex ang actor? Well, hindi na siya active sa paggawa ng pelikula pero may show pa siyang may pagmamahal sa isang hayop ang tema. Ang dyowa naman niya ay nabantilawan ang pagbabalik at ngayon ay on-hold yata ang beauty sa nilipatang network dahil sa attitude problem nito.

Gets n’yo na?


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “RELASYONG RAYVER CRUZ-CRISTINE REYES, MATIBAY KAHIT INUULAN NG INTRIGA!

  1. Pingback: LACRIMOSA – Darkness – Dunkelheit – Oscuridad | Enchanting Beauty…… | RELASYONG RAYVER CRUZ-CRISTINE REYES, MATIBAY KAHIT INUULAN NG INTRIGA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.