Relasyong PH at Malaysia, OK Pa Rin – Palasyo

KUMPIYANSA ANG Palasyo na hindi makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at Malaysia ang kaso ni Manuel Amalilio ng Aman Futures pyramiding scam.

Maaalala na hinarang ng Malaysian authorities ang pagpapauwi kay Amalilio at ngayon ay hinatulan pa ng dalawang taong pagkakakulong dahil sa pamemeke umano ng pasaporte.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi masisira ang relasyon ng dalawang bansa dahil lamang sa nasabing usapin.

Sinabi ni Valte na malaki ang kanilang paggalang sa batas at proseso ng ibang bansa kaya hindi kukuwestiyunin ang timing sa hatol kay Amalilio.

May pagkakataon pa naman ang Pilipinas para mapanagot ang salarin, dagdag pa ng opisyal.

“No, no, not at this point. As I’ve said we have very high respect for the laws and the legal processes of other countries,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.