Relasyong P-Noy at Binay, ‘Di Nagbabago

TINIYAK NG Palasyo na hindi nagbabago ang “working relation” nina Pangulong Benigno Aquino III at si Vice President Jejomar Binay.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa kanyang obserbasyon ay wala namang nagbago sa pakikitungo sa isa’t isa ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa.

Sa nakaraang eleksyon, naging magkalaban ang kuwalisyon ng pangulo na  Team PNoy at ang kuwalis-yon ni Binay na United Nationalist Alliance (UNA).

Kinumpirma pa ni Valte na kahit noong panahon ng kampanya ay nagkikita sina P-Noy at si Binay, pero hindi naman nagbabago ang kanilang trato sa isa’t isa.

Matatandaan na bagama’t itinuturing si Binay na kaibigan ng pamilya Aquino, hindi ito ang naging runningmate ng pangulo noong 2010 presidential election at sa halip ay ang natalong si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.