Relasyong Kris Aquino at Bistek, ok lang kung walang mga sabit

Kris-Aquino-Herbert-BautistaMIXED PA rin ang reaksyon ng mga tao sa relasyong Kris Aquino at Herbert Bautista. Maging kami nga ay natanong na rin tungkol diyan. Kung pabor daw ba kami. Wala namang problema basta wala silang sabit pareho.

And as far as I know, sa side ng kumareng Kris Aquino, wala. Sa panig naman ni Bistek, in fairness, wala naman siyang pinakasalan sa dalawang nanay ng kanyang mga anak.

Pero kung si Bistek ay hiningi ang basbas ni Tates Gana ay wala namang problema. Sina Kris at Bistek ay magkumpare sa panganay naming anak na 12 years old na ngayon, kaya mahal namin ang mga ‘yan. Pero sana, me “closure” muna kina Tates at Bistek para tuluy-tuloy na ang kaligayahan ng Kristek o Bistetay.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.