Relasyong Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, obvious na

SILA BA o hindi sila? Ito ang tanong ng publiko tungkol sa totoong estado ng relasyon nina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria. The two actors starred together in ABS-CBN’s primetime action-fantaserye Noah where they played Levi Aragon and Ruth de Leon, respectively.

Marami ang nagulat nang makitang magkasama in public sina Jolo at Jodi na matagal nang iniuugnay sa isa’t isa. Jolo invited Jodi and the rest of the cast of Be Careful With My Heart to celebrate the fiesta of Barangay Panapaan 6 in Bacoor, Cavite kung saan barangay captain ang aktor.

Marami nang nabasa at narinig na mga kuwento tungkol sa magandang samahan ng dalawa pero kapwa naging tikom ang kanilang mga bibig sa isyu. Ang pakikisaya kayang ito ni Jodi sa okasyon ay isang magandang senyales na handa na sila ni Jolo na linawin ang anumang ugnayan mayroon sila? Puro kasi pahapyaw lang noon ang kanilang mga komento kapag tinatanong. Pero ngayon ay huling-huli pa ng lahat ang pagpahid ni Jolo ng pawis sa noo ni Jodi nang nasa kalagitnaan ito ng pagsalang sa entablado.

Nakakatuwa naman itong si Cong. Lani Mercado dahil nabuko tuloy ang dalawa sa kanyang sagot that it was not the rumored “couple’s” first public appearance together. “Alam ninyo, nakikita naman sila eh, lalo na noong mga panahon na nasalanta ng bagyo ang lalawigan ng Cavite. Pero ito iyong first time na walang problema. Ito [ay] purely fun kaya nagpapasalamat kami sa kanila (referring to the show’s cast who graced the event).”

Naging mas bukas na si Jolo tungkol sa kanila ni Jodi nang siya ay makorner ng The Buzz na hindi siyempre pinalampas ang pagkakataon na linawin ang anumang namamagitan sa dalawa. Hindi kailangang maging genius ang isang tao para maintindihan ang tinutumbok ng mga sagot ng actor/politician. “Oo, masasabi natin na si Jodi ang nagpapatibok ng puso ko!” When asked if Jodi is special to him, “Action speaks louder than words, ‘di ba? Kumbaga obvious naman.” Ano na ang estado nila? “Si-guro ibalato ninyo na lang sa amin muna iyan at sasabihin na lang namin sa mas tamang panahon.” Pati raw ang kanyang lolo na si former Sen. Ramon Revilla ay nakilala na si Jodi at boto rin ang kanyang pamilya sa aktres.

Hindi naman maikubli ni Jodi ang kanyang ngiti during the interview. It’s obvious na may taong nagpapangiti sa kanya ngayon. Iba rin ang ningning ng kanyang mga mata. Sa tanong na mukhang sobrang open na sila tungkol sa kanilang relasyon sa pamilya Revilla, she answered, “I would like to think, oo.” Naaalala ko tuloy ang tanong ko sa kanya noong mag-guest siya sa The Buzz. I asked her how important Jolo is in her life. “I would say na he is someone special right now. Hanggang doon na lang po muna,” sagot niya.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Relasyong Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, obvious na

Leave a Reply

Your email address will not be published.