Relasyong Chiz Escudero at Heart Evangelista, palabas lang?!

MAY MGA ilang naintriga sa pag-amin ni Sen. Chiz Escudero na magkasintahan na raw sila ni Heart Evangelista. Parang itinaon lang kasi sa pag-file niya ng candidacy niya dahil tatakbo siya uli bilang senador.

Bale hulling araw ng pagiging guest co-host niya sa Kris TV ni Kris Aquino, doon inamin niya na sila na nga raw ni Heart at kinilg naman ang mga nanood. Tapos nu’n, ibinalita na ang filing ng kandidatura niya sa Comelec. ‘Di ba bongga ang timin?

Napagdudahan tuloy kung totoo ba talaga ‘yan! Noon pa sila napag-usapan na may something, pero ang sabi meeting lang daw. Sabi naman ni Heart, single daw siya at magkaibigan lang daw sila ni Sen. Chiz.

Pero tamang-tama naman sa last day of filing ng candidacy, inamin na ni Sen. Chiz na sila na ni Heart.

Hay, naku! Tingnan na lang natin kung hanggang kailan ‘yan. Sana nga totoo talaga, dahil kung hanggang sa eleksyon lang ‘yan o baka nga bago pa mag-eleksyon, parang kaduda-duda talaga.

‘Di ba ang tingin pa naman kay Heart, parang hindi siya nagtatagal sa boyfriend niya? Madalas siya ang nakikipag-break at ang ending nag-iiyak pa ang boyfriend na iniwan.

Napanood ko nu’n ang interview kay Jericho Rosales na crayola siya, at ganu’n din si Daniel Matsunaga nitong huli.

Ano kaya ang meron kay Heart na talagang iniiyakan ng lalaki? Ang ganda, ‘di ba?

Paano kung hindi naman naging successful ang relasyon nila ni Sen. Chiz? Hindi ko pinangarap na mapanood si Sen. Chiz na nag-iiiyak, ha!

Sana nga magtagal sila, dahil si Sen. Miriam Defensor-Santiago pa naman ang nagpakilala sa kanila, at botong-boto sa kanya si Sen. Miriam na close kay Heart.

Dapat na mapatunayan nilang dalawa na totoo na ‘yan at hindi palabas lang o gamitan.

 

NAPANOOD N’YO ba ang Startalk nu’ng nakaraang Sabado?

Kung napanood n’yo ang interview namin kay Katrina Halili, mapapansin n’yong ang laki ng ipinagbago niya.

Parang nag-mellow siya na parang kumalma na kitang-kita mong masaya siya sa nangyari sa kanya, ngayong isa na siyang nanay.

Meron kasing nag-imbita sa kanila ni Kris Lawrence na i-pictorial sila kasama ang anak nilang si Baby Katrence o si Kate.

Tinanggap na ni Katrina dahil maganda raw ‘yun na meron na silang souvenir na mga magagandang kuha kasama ang baby nilang ilang linggo pa lang.

Kuwento nga ni Katrina, parang ang bilis daw lumaki ng baby nila, at natutuwa raw siya sa pag-alaga.

Dati raw wala siyang ginawa, gala lang siya nang gala kahit buntis siya kaya napapagastos siya. Bili kasi siya nang bili ng mga kung anik-anik para sa baby nila. Pero ngayon, hindi na siya lumalabas dahil nag-aalaga siya sa baby nito. Nagbi-breastfeed pa siya kaya nag-i-enjoy siya dahil du’n daw niya na-feel na mommy na talaga siya.

Dagdag pa niyang kuwento, tuwing nag-aalala siya kay Baby Kate, naiisip daw niyang kailangan na niyang magtrabaho nang seryoso para sa kanyang baby.

Inaayos na ngayon ni Katrina ang binyag ng baby. Sa January raw ang  binyag at meron na nga silang line-up ng ninong at ninang.

NAALIW NAMAN ako kay Kris Bernal nu’ng nag-guest sa Startalk na lalaking-lalaki ang look. Ang pogi nga niyang kasama si Aljur Abrenica. Matagal daw niyang pinag-aralan ang role na ‘yun at feel na feel na raw niya ang maging lalaki.

Excited na sila sa pagsisimula ng Coffee Prince mamayang gabi pagkatapos ng Luna Blanca.

Alam naman nilang excited na rin ang mga fans nila sa pagsasama nilang muli. Kaya siguro dapat na suportahan ito ng mga fans nila para mapatunayan nilang may lakas pa rin ang loveteam nila.

Papalitan pa naman nila ang One True Love nina Alden Richards at Louise delos Reyes na consistent na top rated show, kaya nakaka-pressure ito dahil dapat magpakitang-gilas din ang mga AlKris fans.

Abangan n’yo na lang ito mamayang gabi.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Relasyong Chiz Escudero at Heart Evangelista, palabas lang?!

  1. Bongga ba career ni lovi ngayon!?lahat naman ng movie nya puro flop! Sina heart at marian lang naman ang sikat na young star sa gma!

  2. Ang swerte naman ni chiz kay heart,ang ganda ganda ni heart at madami pa ang nagkakagusto sa knya napunta..im sure madaming naiinggit ngayon kay chiz…sana hindi nya lang ginagamit si heart,lagot sya ky miriam!:)

    • aanung swerte eh ang luwang na ng tutut ng babaeng iyan! di bale maliit naman ang patutoy ng lalake kasi iniwan ng waswit!

    • tanga! si heart ang user hindi si chiz  hello kung may mangyayaring masama kay heart halimbawa lang kasuhan ni heart ang senador na nirape sya sino ang paniniwalaan ko imbes si heart  maniniwal ako kay sendo chiz eh! ang daming lalake na ang dumaan kay heart  eh! bakit pa ako maniniwala sa babeng yan 

    • hindi naman malaswang babae si heart ah. teka…. john pratts, daniel, jericho, john estrada, at marami pang iba. paramihan sila ng nadyug nina, jennilyn, ruffa mae, ara mina, rhian, etc…… hindi makatiis na walang nakapasak na tutot sa kanilang bleep bleep!

  3. Halata naman na may political strategy itong si Chiz. Hay kawawang Heart. Walang kadala-dala. Buti pa yung friend niya na si Lovi Poe mas nag-concentrate sa career kaya lalong bumongga as a single woman. Eto desperadang laging may kasamang dyowa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.