Relasyong Carla Abellana at Geoff Eigenmann, nakapanghihinayang

Carla-Abellana-Geoff-EigenmannHANGGANG SA ngayon, palaisipan pa rin sa amin kung nauwi na ba talaga sa break-up ang relasyong Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Nabalita na nagkakagulo ang relasyon ng dalawa noon pang Valentine’s Day at mainitin daw ang ulo ng aktres nu’ng humarap ito sa press at tanungin tungkol sa relasyon nila ni Geoff. Lalo pang tumindi ito nang mabalita ang away na namagitan sa kanila ni Aljur Abrenica dahil sa balitang pagporma raw ni Geoff kay Kylie Padilla na kapareha nito sa seryeng Adarna ng GMA.

Nakahihinayang kung mauuwi sa break-up ang ilang taon na rin nilang relasyon dahil bukas naman noon si Geoff na nakita na niya kay Carla ang babaeng gusto niyang pakasalan. Pero sa ‘di pa rin malinaw na dahilan, mukhang mauuwi sa hiwalayan ang lahat. Kahit ang pamilya Eigenmann ay balitang botong-boto rin sa aktres. Tumutol man ang ama ni Carla na si Rey PJ Abellana sa nabalita noon na balak na pagpapakasal ng dalawa, naayos naman ang anumang naging problema.

Isa sa mga relasyong nabuo sa showbizness pero nauwi rin sa hiwalayan, kung usong-uso kasi ang pagpapaksal ng mga showbiz couples natin ngayong taon, marami rin namang relasyon ang ‘di nagtagumpay at nauwi sa break-up at mukhang isa sa magpapahaba sa listahan nito ay ang relasyong Carla-Geoff.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

4 thoughts on “Relasyong Carla Abellana at Geoff Eigenmann, nakapanghihinayang

  1. putang ina mo KrisTD, wala akong pakialam sa mga kagagahan mo at kung anu-anong katangahan ang pinagpo-post mo dito sa parazzi, pero NEVER call my attention at ipa-fuck you mo pa ako na PUTANG INA MO! Kayo ng NANAY MO, magpa-FUCK kayo sa asong gala, PUTANG INA MO, hayop ka sa pinaka mababang hayop…….

Leave a Reply

Your email address will not be published.