RELASYONG BEA AT ZANJOE, ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS

HINDI NA MAIKAKAILA pa ang mas lumalalim na samahan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ngayon. Kung noon ay walang malinaw na pahayag mula sa kanilang dalawa, ngayon naman ay pareho silang vocal in saying that they are dating. Although they have not yet admitted the real score between them, you will know that there’s a special bond that connects them. Sabi nga, action speaks louder than words.

Iba ang kislap ng mga mata at ngiti sa labi ni Bea kapag nababanggit si Zanjoe. Para bang may kung anong magic na dala ang pangalan ng aktor. Although maingat siya sa pagbibitiw ng mga pahayag tungkol sa kani-lang gumagandang relasyon ay huling-huli mo pa rin ang tunay na nararamdaman ng magaling na aktres.

Aminado si Bea na masaya siya sa piling ni Zanjoe. “He makes me laugh. Kapag may ginagawa akong mali, hindi siya biased na okay lang ‘yan kasi ako ‘yon. Sinasabi niya kung ano ‘yong mali ko, and hindi naman lahat ng tao nakakatagpo ng ganoong klaseng tao sa buhay nila,” kuwento niya nang makausap ng The Buzz.

Bea appreciates Zanjoe’s friendship. Marami raw siyang natututunan mula kay Zanjoe, kaya malaki ang kanyang pasasalamat dito. Naging mas open na raw siya ngayon sa mga tao hindi tulad noon. According to Bea, “He came at the right time. Siya ‘yung naging kaibigan ko. Nakapag-open up ako ng mga bagay sa kanya na usually hindi ko ino-open up sa ibang tao and may immediate connection kasi naiintindihan niya.”

Ang good news ay nakilala na ni Zanjoe ang pamilya ni Bea. Sinabi naman ng aktres na hindi pa siya naipapakilala ni Zanjoe sa pamilya nito.

Abangan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng pagkakaibigan nina Bea at Zanjoe. “I don’t want it to get ugly kung sakaling hindi man siya mag-work. I want it to be quiet and may extent lang iyong pwedeng i-share.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleWENDELL RAMOS, MAS BONGGA ANG CAREER SA SINGKO KESA SA SIYETE!
Next articleKAPAMILYA FEMALE STARS, NAGSISIPAGHUBARAN NA!

No posts to display