Rekord ng Martial Law, isapubliko – Enrile

PABOR SI SENATE President Juan Ponce Enrile sa pagsumite ng Department of National Defense (DND) ng mga classified military records kaugnay ng pagpapatupad ng Martial Law sa bansa.

Makabubuti na malaman ng CHR ang mga kaganapan noong panahon ng Batas Militar lalo na ang usapin ng pang-aabuso ng mga sundalo sa mga inosenteng sibilyan, ayon kay Enrile na siyang may malaking papel noong Martial Law.

“Kaya nga, para malaman natin kung totoo ‘yung mga sinasabing may mga torture,” ani Enrile.

Aminado naman ang pangulo ng Senado na nagkaroon ng mga pag-abuso ngunit kahit bago pa ang Batas Militar ay nangyayari na ito.

“Mayroong mga hindi lang during Martial Law, even before Martial Law. ‘Yung massacre sa Negros Occidental na pinaimbestigahan ko,” dagdag pa ng opisyal.

Una nang sinabi ng CHR na nakahanda silang isapubliko ang mga dokumentong may kaugnayan sa deklarasyon ng Batas Militar noong dekada ‘70.

Inihayag ni CHR Chairperson Loretta Ann Rosales na mahalagang malaman ng taumbayan kung ano ang mga nangyari sa ilalim ng Martial Law noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kabilang umano sa mga dokumentong ito ay may kaugnayan sa mga kaso ng pang-aabuso ng militar noon, kabilang ang mga insidente ng forced disappearances, torture at salvaging.

Nakapaloob din sa mga declassified documents ang may kaugnayan kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ayon pa kay Enrile, sakaling mahimay na ang kabuuan ng mga dokumento, posibleng mabago ang ilang pahina ng kasaysayan ng bansa sa ilalim ng Batas Militar. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.