Reklamo Vs Telecom Companies, Dumarami

DUMARAMI ANG mga reklamong natatanggap ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa telecommunication companies.

Base sa tala ng NTC, mahigit 1,500 na ang reklamo laban sa Globe, Smart, Sun at PLDT sa unang anim na buwan pa lamang ng 2013.

Kumpara ito sa naitalang mga reklamo noong 2011 na umabot sa 1,028 at 2,143 naman ng 2012.

Dati ay mga reklamo ng “dropped calls” ang natatanggap ng NTC, ngunit karamihan na umano sa mga reklamo ay may kinalaman na sa palpak na koneksyon sa Internet.

Sinabi ni Engr. Froilan Jamias, Officer-in-Charge ng Consumer Welfare and Protection Division ng NTC na kailangang maipaliwanag nang maayos sa publiko ang paraan ng paggamit ng Internet.

Ayaw munang magsalita ng Globe sa isyu dahil wala pa silang natatanggap na kopya ng NTC report.

Isinisisi naman ng tagapagsalita ng PLDT-Smart na si Mon Isberto ang lahat ng suliranin sa Internet signal.

Sa mahigit 100-milyon na cellphone users sa bansa, tinatayang mahigit anim na milyon lang ang may Internet subscription.

Mas marami pa rin ang tawag at text lang ang gamit sa cellphone.

Samantala, nilinaw rin ng NTC na hindi pa nakakaalarma ang bilang ng mga reklamo laban sa mga telephone companies ngunit magsilbi sana itong panggising

para ayusin ang kanilang serbisyo sa mamamayan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.