Reklamo Vs Election Watchdog, Itinakda ng CA

NAGTAKDA NG pagdinig ang Court of Appeals (CA) para sa reklamo ng isang election watchdog laban sa umano’y hindi tamang paggamit ng Comelec sa kanilang P30 milyon intelligence fund.

Ito’y kasunod ng pagpapalabas ng Supreme Court (SC) ng writ of habeas data at pagbabalik sa CA ng petisyong inihain ng Automated Election System Watch.

Kaugnay nito, itinakda ang summary hearing bukas, alas-10:00 ng umaga sa Paras Hall, 2nd Floor sa main building ng CA.

Kabilang sa mga respondents sa naturang petisyon ay sina Comelec Chairman Sixto Brillantes, Commissioners Lucenito Tagle, Elias Yusoph, Christian Robert Lim, Luie Tito Guia, Grace Padaca at Al Parrebo kasama sina Comelec Finance Director Dulay Mejos, executive secretary Pacquito Ochoa at Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Samantala, lumalabas sa petisyon na inakusahan ng AESW ang mga opisyal ng Comelec na nani-niktik sa kanila gamit ang intel fund ng ahensya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.