Reklamo ng mga obrero, ipinamukha kay P-noy

HARAPANG IPINABATID ng mga manggagawa kay Pa-ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang hinaing ng kanilang hanay.

Sa ginanap na tripartite dialogue sa Palasyo, inisa-isa ni Sonny Matula, presidente ng Federation of Free Workers of the Philippines na siyang kumatawan sa  mga manggagawa, ang mga reklamo ng labor sector sa umiiral na sistema.

Ayon kay Matula, partikular dito ang mabagal na pagtayo ng mga kinakai-langang imprastraktura at gayundin sa mataas na presyo ng kuryente at produktong petrolyo.

Kaugnay nito, hiniling nila sa Pangulo na gawing urgent bill ang panukalang pagbawal sa contractualization at magkaroon ng security of tenure sa mga pinagtatrabahuhan.

Binatikos din ni Matula ang desisyon ng Office of the President na ibasura ang hiling ng PALEA na huwag payagan ang outsourcing scheme ng PAL, kung saan libu-libo nitong empleyado ang natanggal sa trabaho.

Hinamon din nito ang Pangulo na maging tunay na tagapagtanggol ng mga manggagawa laban sa pagsupil sa kanilang mga karapatan lalo na sa pakikilahok sa mga unyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Reklamo ng mga obrero, ipinamukha kay P-noy

  1. Pingback: Reklamo ng mga obrero, ipinamukha kay P-noy - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.