Reklamo kontra PCSO Board, Pag-aaralan ng Malacañang

INTERESADO ANG Palasyo na mapag-aralan muna ang panibagong alegasyon laban sa Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Maaalala na lumabas ang findings ng Commission on Audit (COA) hinggil sa daang milyong pisong pasahod sa miyembro ng PCSO Board na labag sa batas at sa Executive Order ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Ngayon naman lu-mabas ang open letter ng mga kawani ng PCSO na tinanggal umano ng Board at pinalitan ng mga bitbit na tauhan.

Nasa 40 empleyado ang unang tinanggal at nakapila pa ang 359 na mga kaswal.

Ayon kay Communications Sec. Ricky Carandanh, titingnan nito ang nilalaman ng sulat para ipadala sa sangkot na opisyal para sa kinauukulang aksyon.

Samantala, sinabi naman ni Carandang na mahirap daw mangako ng hakbang sa ngayon hangga’t hindi napag-aaralan ang reklamo ng mga PCSO employees.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.