Reklamo Kontra Investment Scam, Dumagsa sa NBI

DUMAGSA SA National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nagrerekalamo laban sa panibagong investment scam na nanghihikayat na mamuhunan sa negosyo ng taniman ng mga mangga.

Kabilang sa mga dumagsa ang mga abogado ng ilang dati at kasalukuyang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ilang premyadong abogado na nabiktima ng panibagong investment scam.

Partikular na ni-rereklamo sa NBI Anti-Fraud and Action Division (AFAD) ang isang Ralph Lopez na pinuno ng Golden Harvest Orchard Marketing Corporation.

Unang naaresto sina Josefina Pilarina at Wilma Siazon na dalawa sa mga incorporator ng kumpanya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Pasig Regional Trial Court (RTC).

Modus ng naturang grupo na makapaglagak ng puhunan sa isang manggahan sa halagang mahigit P33,000 kada puno at makukuha ang tubo nito pagkalipas ng limang taon.

Nabatid ng korte na ang papeles ng korporasyon ay kulang at labag sa panuntunan ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Samantala, sinabi ng NBI na patuloy pa ring nakapanloloko ang grupo at karamihan sa mga nabibiktima ay mga overseas Filipino worker (OFW).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.