Rehabilitated and respected: Baron Geisler and Jiro Manio should learn from Gina Pareño

 

KAHIT MASASABING WRONG timing ang pag-amin sa pag-liligawan nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano, pupuwede na rin ‘yan.  Kasi nga, pareho naman silang mga biktima ng katatapos na relasyong wala nang pag-asang magkabalikan.  Masaya raw si Luis sa pagkikilala nila ng alaga ni Becky Aguila. Okey lang ‘yon, kasi nga kahit habulin niyang magkabalikan sila ng ex-girlfriend niyang si Angel Locsin, nariyan na si Phil Younghusband at pag-amin na lang ang kulang sa kanilang dalawa.

Si Jennylyn naman, hayan at nagniningning na ulit ang mga mata sa pagkukuwento tungkol sa closeness nilang dalawa ni Luis. Puro puri siya ngayon sa ex-boyfriend ni Angel. Ewan lang kung ilang buwan sila magtatagal. Kasi nga, hindi naman nagtatagal ang kanyang mga pakikipagrelasyon ‘tulad kina Mark Herras, Andrei Felix, Patrick Garcia at Dennis Trillo. Siya ang nagsabi na after ng break-up nila ni Dennis ay hindi pa siya ready na pumasok sa isang bagong relasyon. Pero halata rin naman siya, na importante na sa kanya si Luis.

Para talagang mayroong pagmamadali sa ligawan nina Jennylyn at Luis. Mayroong pine-pressure si Luis na magpakalalaki daw tungkol sa panliligaw sa dalagang-ina. Mag-apura ba? Samantalang kung tutuusin, dapat ay hinay-hinay lang. Kasi, hayan at kakalabas pa lang ng patotoo ni Jennylyn na ang isa sa matinding dahilan ng hiwalayan nila ni Dennis ay sinaktan at sinakal pa diumano siya. Noong March lang nangyari ‘yon, ah! Ito namang si Luis, apurado rin. Ano ‘yon? Katatapos lang sakalin ni Dennis si Jennylyn, katatalikod lang ni Trillo sa relasyong iyon ay pumapasok na kaagad sa eksena ang Luis na itoooh?!

 

GUSTO KO LANG dagdagan ‘yung sinasabi ni Tito Alfie Lorenzo sa kanyang pagtataka, na bakit daw ganu’n si Direk Maryo J. delos Reyes? Sa mga inalagaan daw na artista ni Direk ay tatlo na ang nalululong sa droga, alak at iba pang bisyo. Si Jiro Manio nga kasi, naka-rehab na ngayon. Oo nga naman, nasa rehab pa rin ngayon si Baron Geisler, at bisyo rin ang sumira sa movie career ng guwapo at magaling pa namang actor na si Angelo Ilagan.

Ipinagtataka ko nga rin po iyon, Tito Alfie. Samantalang napakabait naman ni Direk Maryo at madisiplina rin naman siya sa kanyang mga inalagaang artista. Mahal na mahal ko rin si Direk, dahil nu’ng panahong uso pa ang pag-i-interview sa mga nagpapaseksing aktor ay lagi akong nag-iinterbyu sa mga alaga ni Direk na puro barako. Pero ang idadagdag ko lang, Tito Alfie ay mayroon pa ring isang naging alaga si Direk noon, na namroblema rin sa bisyo. Si Daniel Figuerroa na mahusay ring umarte. Alam pa natin ngayon kung nasaan sina Baron at Jiro. Pero wala na tayong nababalitaan tungkol kina Daniel at Angelo. Nakakalimutan na sila ng showbiz. Hindi na rin naman kasi sila nagpaparamdam.

Nagpa-rehab sina Jiro at Baron dahil gusto nila ng pagbabago. Makakabalik pa sila sa showbiz, dahil mahuhusay silang aktor. Disiplina lang ang kaila-ngan nila. Kung artistang nagbago sa dating bisyo ang pag-uusapan, pasintabi, pero si Tita Gina Pareño ang sinasaluduhan ko. Nang ituwid ni Tita Gina ang kanyang landas ay nakuha niyang muli ang respeto ng showbiz, lalo pa’t napakahusay niyang umarte. Ngayon, kahit napakamahal ng kanyang talent fee ay marami ang gustong maidirek siya at makatrabaho. Pansinin n’yo, hindi na siya pinakakawalan ngayon ng ABS-CBN.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Rehabilitated and respected: Baron Geisler and Jiro Manio should learn from Gina Pareño

  1. well,gud for baron at jiro,,dalawang magagaling na actors tlaga,,malalim umarte,,well,,sana man lang gumaling na sila,,at mapaayos ang life nila,lalo na si jiro na bata pa,,at may anak sya,,so,,he must be strong at maging mabuting tao,,para sa anak niya,,,,diba,,,sayang naman,,,!!bakit sila nagkakaganyan,,swerte na nga nila,,kumikita sila,,di gaya ng iba,,learn a lessons guys,,,hay nako,,u destroying ureself,,beter,,magbasa sila ng bibliya sa loob ng rehab,….godbless,..them..

Leave a Reply

Your email address will not be published.