Regulasyon Imbes na Ban, Inihirit sa PMA

NANINDIGAN ANG mga nagtitinda ng electronic cigarette (e-cigarette) na hindi dapat i-ban ang pagbebenta nito sa merkado.

Kasunod ito ng naging panawagan ng Philippine Pediatric Society (PPS) at pahayag ng Philippine Medical Association (PMA) na planong ipagbawal ang pagbebenta ng mga e-cigarette dahil wala naman umano itong naidudulot na maganda sa kalusugan ng tao.

Ayon sa pangulo ng Philippine E-Cigarette Industry Association (PECIA) na si Gilbert Mendoza, matagal nang ibinebenta ang e-cigarette ngunit wala namang naireport na nagkakaroon ng malubhang sakit sa paggamit nito.

Sa halip aniyang i-ban, mas pinapaboran ng kani-lang asosasyon na i-regulate na lamang ito ng PMA.

Inisa-isa rin ni Mendoza ang mga regulasyon at panuntunang sinusunod at ipinatutupad sa loob mismo ng kanilang asosasyon.

Nilinaw naman ng pa-ngulo ng PECIA na hindi saklaw ng kanilang samahan ang mga nagbebenta ng e-cigarette sa bangketa.

Samantala, naniniwala si Mendoza na mas mabuting alternatibo ang e-cigarette kaysa sa sigarilyo lalo na sa mga nagnanais nang tumigil sa paggamit nito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.