Regionwide Transport Strike sa Bicol, 3 Lalawigan Lang ang Lumahok

TANGING SA mga lalawigan ng Albay, Masbate at Sorsogon naramdaman ang isinagawang tigil-pasada ng alas-12:00 ng madaling-araw kahapon sa buong Bicol region.

Ayon kay Ramon Rescovilla, tagapagsalita ng Condor-Piston Bicol, aabot sa 91.5 porsyento ang paralisasyon sa Albay, 92 porsyento sa Sorsogon at 80 porsyento sa Masbate.

Ang nasabing assessment ay iba naman sa pananaw ng mga kinauukulan.

Samantala, nagsagawa rin ng picket-rally sa Partido Area at Rinconada Area sa Camarines Sur sa harap ng mga istasyon ng dalawang kumpanya ng langis.

Wala namang naiulat na mga pagkilos sa Camarines Norte at Catanduanes.

Posibleng maulit pa ang nabanggit na aktibidad hanggang sa hindi pa rin naririnig ang kanilang mga panawagan sa administrasyong Aquino, ani Rescovilla.

Ang kilos-protesta ay kasunod ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at umano’y pakiki-pagsabwatan ng pamahalaan sa dayuhang kartel sa langis maliban pa sa hiling na pagbabasura sa 12 porsyento ng EVAT at Oil Deregulation Law.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.