Regine Velasquez, wala nang ililibre sa repeat ng kanyang concert

HINDI NA raw makahihingi ng complimentary tickets sa concert ni Regine Velasquez na gagawin sa MOA Arena come January 5, 2013.

‘Yong mga dating compli tickets, ibebenta na sa mga gustong manonood para may pambayad ang production sa magta-trabaho sa konsiyerto ng Asia’s Songbird na nakansel dahil may sakit siya noong gabi ng pagtatangahal.

Sabi ni Jun Lalin; publicist ng show, “Ang laki ng gagastusin sa show dahil we need to rent out lights and sounds at hindi libre ‘yun. Ang libre lang yata ay ang talent fees ng ilan sa production.”

 

SHOWBIZ NA showbiz na ang mga pulitiko natin.

Sinimulan ito ng mga naghahanap na mare-elect sa current posisyon nila o ‘di kaya’t mag-one step forward from being a local government official to a higher post like a governor, congressman or senator.

Si Sonny Angara na anak ni Sen. Edgardo Angraro, papalaot sa Senado come 2013.

Ang isyu niya, ride on sa concerns ng senior citizens. ‘Di nga ba’t ang bagets star na si Julia Montes ang kinuha niya para sa kanyang infomercial (o campaign commercial) bilang katuwang sa sinasabing “advocacy” ni Cong. Angara with matching Lola Flor ni Julia?

Pero bulong ng mga taga-Aurora, ang pamilya diumano ni Congressman ang numero-unong logger at nangangalbo ng Sierra Madre? Hoping hindi sana totoo ang tsika, bad ‘yan para kay Mother Earth!

 

HABANG PINAPAKINGGAN namin si Kris Aquino na magmayabang tungkol sa mga anak na sina Josh at Bimby, natutuwa kami, nag-mature na nga siya as a person.

A proud mom sa kanyang dalawang mga anak.

Kita mo ang pagbabago sa kanya mula noong panahon na nag-co-host pa siya nu’n kay Ate Luds (Inday Badiday) kung saan isa kami sa writers ng Original Queen of Intrigues years ago.

Kung dati-rati’y taklesa siya, bratty, tipong walang pakialam, mas naa-appreciate namin siya ngayon, lalo na sa kanyang pagiging ina.

Pinagmamayabang niya na malapit nang ma-achieve ng panganay niya ang pagpapayat. “With his built and height na almost 6’2” sabi ng trainor niya, konting tiyaga na lang.

“Si Bim naman always super lambing. Nagmamayabang na nga na may girlfriend na siya sa school (half-South American and half-American) na blonde and beautiful na pang-Ms. Universe,” pagmamayabang ng ina.

Sa buhay ni Kris na isang single mom, mukhang kontento na siya. No need to rush to look for a partner in life. “As long healthy ang mga anak ko at masaya, ok na ako,” sabi ni Kris na haping-hapi sa buhay niya ngayon.

Come December 23, sa Parade of Stars ng mga MMFF entries sasali siya sa parade for her movie Sisterakas with friends Ai-Ai de las Alas and Vice Ganda.

 

VERY CHRISTIAN na talaga si Manny Paquiao. Imbis magalit, magagandang salita ang sukli niya sa mga taong iniinsulto siya dahil sa kanyang pagkatalo sa laban.

Matapos ma-knock-out ni Juan Miguel Marquez naging tampulan ng biruan at play-time ang Pambansang Kamao sa Facebook at Twitter.

Ang Canadian pop singer na si Justin Bieber ay nag-post sa kanyang Instagram account ng mga litrato ni Paquiao na edited at altered na nakaiinsulto hindi lang kay Manny kundi pati na sa mga Pinoy.

Pero balita namin, dahil sa talo sa labanan last Sunday; ang misis na si Jinkee, umuwi ng ‘Pinas without a new LV, Hermes, Dior at Prada.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Regine Velasquez, wala nang ililibre sa repeat ng kanyang concert

  1. LETSE K EH bkit kyo ng-announce n free n ang tiket s repeat ng concert mo rRegine eh dapat lng nmn n free nlng un pra nmn un mga fans mo eh mgkron ng konswelo s pinakita nilang loyalty syo, ngsalita kn n FREE taz dmo tutuparin eh wag kn mgrepeat ng concert cno pb gaganahan nyan!!!!

    • ‘te mukhang di mo naintindihan.. ang sabi COMPLIMENTARY tickets.. Ibig sabihin nun, wala na silang ipamimigay na ticket na libre. Yung mga bumili at nanuod ng concert nya nuon, hindi kasama dun sa sinasabing COMPLIMENTARY tickets.. SILA YUNG LIBRE AS LONG AS NASA KANILA PA ANG TICKETS. Think before you click nang di nagmumukhang tanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.