Regine Velasquez, tumaba dahil sa side effect ng gamot – Ogie Diaz

Dati nang ginagawa ni Kris Aquino ang kawanggawa.  Ngayon lang nabigyan ng kulay, dahil tatakbo ngang presidente ang kanyang kapatid na si Noynoy Aquino.

Kaya kahit sincere naman si Kris sa kanyang hangaring makatulong, tulad na lamang ng pangunguna niya sa “panghihingi” on air sa mga kaibigan at kumpanyang nakaririwasa sa buhay, ay binibigyan pa rin ng ibang kulay.

Eh, mabuti na lamang at maayos itong sinasagot ni Kris.  At tama siya.  Kesa nga naman sayangin ng mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa text brigade, eh, ‘yung pisong naaksaya doon ay itulong na lamang sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy at Pepeng.

Eh, sorry na lang din sa ibang tatakbo sa pagka-presidente kung wala silang kapatid na tulad ni Kris Aquino.  In the first place, nandiyan na noon pa si Kris bago pa naisipan ni Noynoy na tumakbong Presidente.

[ad#post-ad-box]

‘Ngayon ay alam na natin kumba’t nananaba si Regine Velasquez.  Hindi siya buntis.  Nagkataon lang na ang mga iniinom niyang gamot sa kanyang migraine ay may side effect na nakapagpapataba.

Maging si Sunshine Dizon ay inaatake rin pala ng migraine, ‘no?

Bigla tuloy naming naalala si Roderick Paulate na migraine din ang sakit, kaya marami ring iniinom na maintenance drugs.

Kaya ‘yung ibang naiinggit sa mga artista ay hindi dapat mainggit.  Kasi, kahit mga artista ‘yan, me iniinda pa ring karamdaman ‘yan.  Hindi lang nila puwedeng ipahalata sa screen kasi kailangan din nilang kumita.

Ikaw na hindi ka artista, malusog ka at wala kang anumang karamdaman.  Kahit hindi ka artista, dapat mo nang ma-feel na blessed ka, kasi, ang mga artista, tinitingala at pinapalakpakan, pero sa likod ng kamera, hindi n’yo alam kung ano ang mga nararamdaman nila.

“Dati kasi, alam mo na, medyo sumikat din tayo.  Ngayon kasi, hindi na, kaya natsitsismis akong naghihirap na!” medyo bakas sa tinig ni Blakdyak ang kanyang pagdaramdam.

“Pero kasalanan ko rin naman ‘yon, eh.  Nagbisyo kasi ako.  Pero ngayon na hininto ko na ‘yon, nagbago na ‘ko eh gusto ko uling bumalik!”

Kaya naman sa pagkakataong ito, nagbabalik si Blakdyak sa pamamagitan ng kanyang fourth album entitled Blakdyak’s Tribe:  Sino Ba? na launching na sa Oct. 17 sa Cowboy Grill Mabini.

“Sana, makapunta ka, mare, para naman maging proud ka sa akin!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

8 thoughts on “Regine Velasquez, tumaba dahil sa side effect ng gamot – Ogie Diaz

  1. naku yung naagbibgay ng kulay sa ginawa ni kris dalawa lang yan eh kalaban sa pulitika at kalaban sa istasyon.. kung ano man ang rason ni kristeta isa lang hinantungan maraming tao ang natulungan yun lang yun…

  2. Gamot sa migraine na nakakataba? Ano na namang palusot ito? Ang nakakataba lang na gamot para sa migraine ay valproic acid, at mararagdagan ka lang ng extra 10% na timbang…sa palagay nating dati ay 120 lbs siya…extra 12 lbs lang ang madagdagan. Eh mukha bang 12 lbs lang dinagdag nitong babaeng ito? Eh mukhang nalunok niya si Cacai ah! Aminin na lang kayang medyo napapadalas ang bisita niya sa kusina, sus!

Leave a Reply

Your email address will not be published.