Regine Velasquez, tinabla ng bayaw? – Chit Ramos


TAMPONG-TAMPO SI Regine  Velasquez sa bayaw niyang si Ramon Mitra, Jr. dahil tumanggi itong i-compose siya ng isang awitin na gagamitin sa b-day concert niya at launching ng Reigne and Songbird cologne para sa Bench.

Tapos, nabalitaan niyang nai-compose nito sina Gary Valenciano at Martin Nievera para sa As 1 concert ng mga ito na magaganap sa Sept. 19 sa Mall Of Asia.

Nang awitin ito nina Gary at Martin sa Wowowee noong Sabado,  pinalakpakan pa nang husto. Pero, sa halip na lumala ang tampo ni Regine, surprisingly, tuwang tuwa pa ang hitad. Tuwang-tuwa para sa younger sister, si Cacai na misis ni Ramon, Jr.

Pasalamat ang bayaw niya at masaya ngayon ang Songbird sa piling ni Ogie (Alcasid). Kungdi, naghalo na ang balat sa tinalupan. Hindi n’yo ba napapansin ang mga aktres na iniwan ng mga BF o asawa nila? Laging galit. Parang laging naghahanap ng away. Sa TV, madaling intrigahin at sangkatutak na kasiraan ng dating ka-relasyon ang pinagsasabi. Sa sandaling makahanap naman ng bagong kapalit, biglang-bigla nagiging maamong tupa. Pansinin n’yo ang mga aktres na ito.

Anyway, malaking impluwensiya talaga si Ogie kay Regine and vice versa. Sa presscon ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat , cool na cool ang dating asawa ni (Michelle Van Eimeren).

Bingi siya sa mga tsismis tungkol kay Regine na dati raw  tibo. Kahit ang  tsismis sa short-lived relationship ng Songbird kay Ariel Rivera ay parang hangin na bahagyang humaging sa tainga niya. May ‘who cares’ attitude talaga siya. Oo nga naman, who cares about the past?

Natawa naman siya nang aminin na mahirap talagang ligawan si Regine. Nag-second the motion talaga kami ni Mareng Aster (Amoyo) dahil pareho kami privy sa panliligaw noon ng isang top rated actor na hindi alam ni Regine na nanliligaw na pala sa kanya. Otherwise, hindi na sana siya  nasilo pa ni Ogie.

“Nang umentra ako sa showbiz noon, naging  instant crush ko talaga siya. (Regine). Pero, bagong-bago pa ako kaya itinago ko na lang sa sarili ko ang feeling kong iyon. Ang tagal kong naghintay at pinagtiyagaan ko talagang tuklasin kung ano ang posibleng diskarte para malaman kung puwedeng maging kami.”

Hindi na nag-elaborate pa si Ogie kung ano ang mga nangyaring kasunod noon.

Regine Velasquez, gusto nang mag-anak

ANG BILIS NG fast forward niya. Napunta agad sa pagnanais ni Regine na mag-anak na next year. Magfo-forty na raw kasi ang future misis niya at siya naman ay magfo-forty two na.

Hindi naman pinoproblema ni Ogie kung past her biological clock na ang pagbubuntis ni Regine. Aware kasi sila sa hiwaga ng makabagong sensiya. Tulad na lamang nu’ng napanood sa TV na babaeng  66 years old na nang manganak. Puwede ding  maging kambal pa ang magiging panganay nila. Isang baby girl na papangalanang Reigne at isang lalaking (Song)Bird naman ang palayaw.

“Kasi nga po, sa pagkakaalam ko, male bird ang songbird. Ewan ko lang kung bakit ginamit na scent ng Bench para sa kanya,” natatawa niyang wika.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

3 thoughts on “Regine Velasquez, tinabla ng bayaw? – Chit Ramos

  1. Everytime I watch SOP I feel so irritated everytime Raul Mitra is the musical director on hand. It’s because mas marami pa siyang camera shots kaysa sa mga mismong singers na kumakanta. Kaya kami nanonood ng SOP is to get entertained by the singers and the songs, not the musical director. Suggestion ko lang is to have a permanent video insert sa other areas of the screen solely devoted to the camera hungry RAUL MITRA.

  2. nakaka irita manood ng SOP pag si Raul Mitra ang musical director kasi mayat maya ang focus ng camera sa kanya, mas marami pa siyang exposure kaysa sa mga kumakantang singers dun. Pwede ba lagyan na lamang ng permanent insert frame yan? Kasi parang nakiki pag agawan pa siya ng eksena sa mga singers. Kaya kami nanonood ng SOP para makita ang marinig ang mga singers hindi si Raul Mitra, OK?

Leave a Reply

Your email address will not be published.