Regine Velasquez, tikom ang bibig sa planong pag-alis sa SOP – Gorgy’s Park

NAGSIMULA NANG MAG-TAPING kahapon si Regine Velasquez sa Darna bilang Elektra, ang isa sa pinakamalakas na makakalaban ni Darna.

Hindi nga makapaniwala si Marian Rivera na tatanggapin ni Regine ang magkontrabida pero gustung-gusto pala ni Songbird ang role na ‘yun.

Siya mismo ang nagprisinta na gawin ang role na ‘yun dahil gusto naman daw niyang subukang maging kontrabida.

Nagpuntahan ang ilang reporters sa taping ng Darna kahapon para hingan ng sagot si Regine tungkol sa isyung aalis na raw ito ng SOP, pero tumanggi ang singer/ actress.

Ayaw raw muna niyang pag-usapan kung meron ngang problema sa SOP. Kahit kari-reformat lang ng SOP, mukhang mababago na naman ito dahil hindi pa rin nito natalbugan ang ASAP sa rating.

Usap-usapang aalis na si Regine sa SOP at pati na rin si Ogie Alcasid dahil sa hindi na raw nito nakakasundo ang ilang staff sa variety show na ‘yun. Pero wala pa ring nagsalita sa staff ng naturang show at kahit si Regine, tikom ang bibig.

Napag-alamang miniting na sila ni Ma’am Wilma Galvante nu’ng nakaraang Linggo pero hindi pa namin alam kung ano ang pinagmitingan at kung ano na naman ang mga babaguhin.

Abangan na lang natin kung ano na naman ang mababago sa SOP at kung kaya na ba nitong talunin ang ASAP.

AMINADO SI DENNIS Trillo na malamig ang Pasko niya ngayon dahil loveless pa rin ito, pero okay lang daw dahil nandiyan naman ang pamilya niya at makakasama nito ang anak niyang si Calix.

Natutuwa si Dennis dahil okay naman sila ni Carlene Aguilar at ipahihiram daw sa kanya si Calix sa darating na Pasko.

Tanggap na rin ni Dennis na mukhang malabo pa siyang makaporma kay Heart Evangelista.

Deretsahan namang sinabi ni Heart na ang lalaking pinakamalapit sa kanya ngayon ay ang first boyfriend niyang pulitiko na taga-Isabela.

‘Yun daw ang ka-date niya madalas pero hindi naman daw nakipagbalikan. Naging close lang daw sila ngayon pero alam naman daw ng lalaking ito kung kailan na handa si Heart na makipagrelasyon uli.

Pero mukhang hindi pa naman sumusuko si Dennis at willing daw siyang maghintay kung kailan ready si Heart at maaaring i-entertain ang panliligaw niya.

Samantala, itinatanggi naman ni Dennis ang isa pang intrigang may ka-date itong non-showbiz girl.

Wala raw siyang panahong makipag-date sa iba dahil ang huling labas lang daw niya ay nu’ng kasama pa nito si Heart.

May naririnig kaming nali-link nga si Dennis sa isang non-showbiz girl at kilala nga ito ng ilang taga-showbiz, pero todo-deny ang aktor dahil wala raw muna siyang panahong makipag-date sa dami ng ginagawa niya.

Mukhang gusto nga niyang kay Heart muna siya mag-focus.

By Gorgy’s Park

loading...

6 thoughts on “Regine Velasquez, tikom ang bibig sa planong pag-alis sa SOP – Gorgy’s Park

  1. entertainment at its finest. yun yata ang motto ng ASAP. i rarely watch SOP kung nandun lang si Kyla at JayR since sila lang talaga paborito ko dun, pero yung mga artistang iba, jusko, ano bang meron sa mga yun?

    pati yung mga nanalo dun sa ARE YOU THE NEXT BIG STAR? walang panama jusmio. sabi nila nuon, yun yung mga magigig next concert performer eh yung mga nanalo eh mas magagaling pa yung mga amateur performer.

    siguro di rin nabibigyan talaga ng magandang spot yung mga mahuhusay like Aicelle, Maricris at Jonalyn. kasi yang 3 yan sikat kapag La Diva, pero pag solo solo, ayun bokya na. sayang.

    taob talaga yang SOP sa ASAP XV!

  2. at ano nmn maitu2long nna dingdong at richard g. sa ratings ng SOP sus_.. dagdg epal lng cla dun mas bgay cla sa mga soap mgdrama nlng! ang dpt gwn ng SOP is improvemnt p, at pwd b ayusin nla hnd ung pra clng nsa perya andmi daming nsa stage pti audio nla ampnget_.. kya pti 2loy c Regine naiinis na! .. hmf!

  3. Aminin na lang natin na ASAP handles all the bankable stars of the movie industry na kumikita ang mga pelikula at shows and great singers of this generation na bumebenta ang album at concert. Sa GMA, mag-exert pa ng effort to develop their talents. Tapos ang paliwanagan

  4. I love a lot of the show of GMA seven, but nowadays puro remake na lang wala na bang writer na may originality or scriptwriter that can come up with a new teleserye? The SOP shows, I agree need major changes…sa mga dance moves na lang puro old style..nothing new..maybe they need to add a new choreographer na creative at contemporary…Yung mga performers…karamihan matatagalan pa bago sila sumikat…they need to do a lot of effort…hindi kaya nina Regine,Ogie pasikatin sila. Di ako maka ASAP, but yung mga dance moves nila mas contemporary at yung mga songs din..Yung mga artista,karamihan gumagawa ng name at pera sa ABS- like John Lloyd,Piolo,Bea etc…sa GMA-maganda before nung nandyan pa sina Richard Gutierrez,Dingdong..talagang nagre-rate..tapos may kanya kanyang participation…maybe what GMA needs is to bring them back…

  5. Wala naman kasing kwenta talaga SOP. aminin yan ha!!!!! minsan nanood ako, OMG mga walang name, konti lang ang mga kilala sa kanila at mas marami pa ang dancers kesa sa mga celebrity daw kuno.

  6. Bakit ba kailangang talunin ang ASAP? SOP still continues to enjoy considerable amount of advertisements and the rating is not so far off. This Sunday, mas lumamang naman ang SOP a. Why are the networks so obsessed with ratings?

Leave a Reply

Your email address will not be published.