Regine Velasquez, tigas sa pagtanggi na iiwan na ang Siyete!

IDINIIN NA NI Regine Velasquez ang katotohanang hindi raw niya iiwanan ang GMA-7. Napaka-nega naman kasi kung sa kasagsagan ng promo at pagsasaere ng bagong kantaseryeng Diva at saka siya nagsasabing lalayasan na niya ang GMA-7.

Basta kami, wait na lang sa developments, since nag-uumpisa pa lamang ang kantaserye, at sana nga’y tangkilikin ito nang husto ng madla upang mamayani uli ang Kapuso network sa primetime slot. Kung napigilan man si Regine, hindi sana maka-contribute sa pagbabago rin ng desisyon niya ang pagkakasibak sa SOP at ang sinasabing pagsisimula muli ng bagong musical-variety show na magtatampok din naman sa Asia’s Songbird.

Mukhang nakatutok si Regine sa role niya bilang si Melody, ang ugly duckling na magta-transform into a fabulous diva. Pagdurusa nga raw ‘yung mga eksenang pangit pa siya at tinatambakan ng prosthetics ang mukha at balat niya. Ang feeling daw niya, eh, lagi siyang marumi and nag-o-oily.

Pero, hindi naman siya makapagreklamo. Kapag medyo nag-iiba na ang mood ni Regine dahil sa discomfort, pinaaalalahanan siya ng direktor nilang si Dominic Zapata na si Regine naman talaga ang may gusto ng ganitong konsepto. ‘Yun lang at hindi na nga magawa pang magsalita  ni Regine at tinitiis na lang ang hirap at nananalangin na matapos na ang mga eksenang siya’y pangit pa rin.

Sa istorya ng Diva, magpaparetoke nang husto si Regine para tuluyang matanggap ng publiko at sumikat.
FEELING NAMIN, KUNG hindi pa talaga kakailanganin na nang husto ng kapatid niya ang todong suporta sa kampanyahan sa mga panahong ito, hindi basta maggi-give up ng trabaho si Kris Aquino. Naging dahilan nga ang sinasabing pagkabagok ng ulo niya dahil sa tindi ng pressures sa trabaho para mag-isip-isip si Kris.

Kris gave up SNN already. Ang sabi niya, hanggang May 15 lang daw sana, pero kung magki-click na raw sina Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga na hahalili muna kay Kris sa SNN, by all means, magiging generous na siya na ipauubaya sa mga ito ang pagko-co-host kay Boy Abunda.

Parang ganito rin ang ginawa ni Kris noon sa Pilipinas… Game Ka Na Ba? nang ipagbuntis niya si Baby James.

Sabi nga ni Kris, minsan lang naman kakandidato ang kapatid niya bilang Pangulo at parang mahirap na itong mangyari pa. Kung pupuwede na nga lang na patayin na ang character niya sa Kung Tayo’y Magkakalayo, umokey na si Kris dito. Na posibleng ganoon din ang mangyari, lalo na sa pananalita ni Kris na, obviously, mas pina-prioritize na niya ang ibang bagay, as of now, kaysa showbiz career niya, which can be on the side, for the meantime.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

9 thoughts on “Regine Velasquez, tigas sa pagtanggi na iiwan na ang Siyete!

  1. maganda naman sana ang diva, kaya lang super oa at super tipid ang sinasabing prosthetics, tigyawat na lang tinipid pa. kinuskus ng mumurahing jobos ang puti puti naman ng leeg at mga kamay… kala ko magaling na director si dominik..

  2. hay naku regine velaques, bakit kasi feeling mo sikat ka???? wala kang pinagiba sa gma 7 na feeling number one daw sila? paging agb, gawin nyo naman kasi number 1 ang show ni regine, katulad ng pagmaniobra nyo sa ratings ng siete, wawa nman…………

  3. sa totoo lang ang DIVA e parang true story ni regine kasi di ba pangit -pangit sa umpisa tapos gaganda. e di bat ganun si regine? sa totoo lang nung nagsisimula sya , maitim at magaspang ang kutis nya, at ang mata nya e may pagka banlag. masyado na maraming binago si belo sa kanya kaya kuminis na sya ngayon.

  4. Hindi nag rate ang DIVA divale na lang…. Aminin na gurangs ka na wala ng appeal pati boses mo…..
    Sorry ka na lang hindi tinangkilik ng madla bagsak sa rating lalong lalo na sa MEGA rating…. Nakapagtataka ang AGB bakit hindi ginawang No.1 ito.. PAGING GMA7 baka hindi ninyo pa nalalagyan ang AGB o kulang ang padulas ninyo kaya hindi ginawan ng paraan ng AGB para maging NO.1 ito… nagtatanong lang po.

  5. flop daw talaga as in. ewan ko ba sa babaeng ito kung bakit sobrang cheap. kung kelan tumanda saka kumerengkeng ng todo. tama ba namang sa edad nya na halos kwarenta na eh ianounce sa madlang bayan na magsesex daw sila ni Ogie. kadiri

Leave a Reply

Your email address will not be published.