Regine Velasquez, natupad na ang pantasya!

MULI NA NAMANG nagre-release ang Asian’s Songbird na si Regine Velasquez ng isang groundbreaking, full-length studio album under Universal Records entitled “Fantasy.”Ang carrier single ng album ay isang original composition ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid, isang romantic love ballad na pinamagatang “You Don’t Know.”

Excited ba naman si Regine sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Ogie? “I’m really excited and a bit anxious. Kasi nga, I’m not really involved sa preperations. Siyempre, involved din ako, pero it’s my sister Cacai who’s really busy with the preperations, pero they tell me rin naman. Parang ang tagal kasi, nag-start kami ng preperations last June or July, tapos ngayon, ilang days na lang. So, parang ang tagal, natatagalan ako. Although ngayon kasi, medyo busy na ako, nai-stress pa ako. Kasi nga, hindi naman ako nagpapa-involve sa wedding,” say ng singer-actress.

Ayon kay Regine, sa Punta Fuego, Batangas sila ikakasal ni Ogie. It’s a Christian wedding dahil hindi pa sila puwede sa Catholic wedding since hindi pa annulled si Ogie sa church. Monique Lhuilller ang gown na isusuot ni Regine at gawa naman ni Randy Ortiz ang kay Ogie.

Inamin ni Regine na three years na silang nagli-live-in ni Ogie, advantage ito para sa kanya dahil mas lalo niyang nakilala ang future husband to be. “You know, it’s actually, parang the best decision I’ve ever made, to live together first before we get married, bacause I won’t be shocked anymore, kasi nakapag-adjust na kami. Three years na kaming living together so nandu’n na ‘yung adjustment.

“Ang saya, parang bahay-bahayan, and kahit hindi pa kami kasal, there’s this line, parang invisible line na ayaw naming i-cross kasi nga, merong ganu’n,” pahayag ng Songbird.

For now, last album na ni Regine itong “Fantasy” bago sila ikasal ni Ogie kaya medyo seductive ang mga pictorial niya sa nasabing album. “Medyo sexy kasi hindi ko na magagawa ‘yun ‘pag nag-asawa na ako.”

May plano na ba silang magka-baby? “Depende kung mabubuntis, okay lang kung hindi naman. I don’t wanna think about it anymore. It was a personal choice na magka-baby.”

Wedding of the year ba ito? “As much as we like to… invite everybody, but we can’t kasi first of all, the venue is small. Hindi naman ganu’n kalaki. Plus siyempre, we want also ‘yung mga special people na talagang kaibigan lang namin ang darating.”

Right after the wedding, would you take a break? “Siguro mga 3 weeks akong mawawala. Tapos next year, by January, balik-trabaho uli ako.”

Your fantasy? “Maging sirena, tama naman… at maging Darna… sumigaw naman akong ‘Darna’ kaya okay na ‘yun. I guess sa fantasy ng bawat babae ‘yung ikasal ka at ‘yun, matutupad naman.”

Dumating ka ba sa point na naisip mong hindi ka na makapag-aasawa? “Hindi. Before I met Ogie, ‘yung time na nag-decide na ako na gusto ko nang magkaroon ng lovelife, dinesayd ko ‘yun, dumating agad. That year when I decided na sabi ko, medyo gusto ko na ng lovelife, that year meron naman, although naging mahirap ‘yung start namin as you all know, but after all ng pinagdaanan, sobrang worth din siya. I really didn’t mind waiting…”

Expectation ni Ogie bilang Misis Alcasid, may pagbabago kaya sa lifestyle ni Regine? “Marunong na akong magluto, I’m sorry, magaling akong magluto. Ang weird nga, kasi anik-anik ang niluluto ko, pero wala pa namang nao-ospital. Ha! Ha! Ha!”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

9 thoughts on “Regine Velasquez, natupad na ang pantasya!

  1. tama! gusto ko dati si regine kaya lang parang patay na patay kay ogie kakainis, kada kanta iiyak! wala na ginawa kundi umemote sa tv, hindi na lang gumawa ng pelikula, tapos lahat na lang ng gagawin kasama asawa nya kakabwisit! mapa kanta mapa album mapa concert! CHE!!!

  2. chona velasquez, i hope you will read this constructive criticism.. pwede ba act like a grown up (read: matured) kasi para kang natime warp. matanda ka na pero actuations mo pang teener pa rin, di na bagay sa hitsura mo, nakakairita.. secondly, tantanan mo na yang kaka-ingles mo kasi di mo rin naman mapapangatawanan. one liner ka lang lagi tapos bagsak ka na sa tagalog. nakakairita pa yang ‘actchually-actchually’ mo. manifestations kasi yan ng inferiorities/insecurities mo. kahit anong gawin mo, di ka pwedeng lumevel sa mga artistang ipinanganak ng mayaman kasi lumaki na silang inglesera. gayahin mo sila zsazsa padilla pag magsalita on tv na glamorosa ang dating kasi hindi trying hard.

    btw, kababayan ko nanay mo kaya i was very proud of you before, nong chona velasquez ka pa lang.

  3. ??te,para sakin lang, sana walang kasalan nalang.worried lang...゛peace゛ ~^〇^~v 

  4. feeling mga bagets nman 2ng songbird at unanong 2… OA, Kakairita pgnaririnig ko kumanta 2ng tanders na 2 para lang tumitili. Pagnagsalita pacute nman ang arte ng lola mo… Rest kna after mo matali wala nang nnonood sau s PP!

Leave a Reply

Your email address will not be published.