Regine Velasquez, nambato ng sapatos sa gay fan – Chito Alcid

KARAPATAN NI SUNSHINE DIZON na ipagkaila na siya ay buntis.  Hindi pa siya preparado sa ganyang kasensitibong sitwasyon.

How true na ang brother ni Tanya Garcia (misis ni Gov. Mark Lapid) ang magiging ama ng diumano’y two months pregnant na si Sunshine? Beinte otso anyos si Patrick Lyttel. He is marriend subalit hiwalay na.  For annullment na raw ang marriage nito.

Nasa Pampanga lang si Sunshine at nagpapahinga dahil sa sobrang problema. Tagaroon ang boyfriend niya.  Basta na lang hindi niya sinipot ang Tinik Sa Dibdib na siya pa naman ang bida.  Pasaway ba talaga si Sunshine at merong attitude problem? Pati sila ng kanyang inang si Dorothy Laforteza ay laging merong pagtatalo.

Kung nagrereklamo si Sunshine sa dami ng trabaho sa GMA, dapat ay ayusin muna niya ang nasimulang project.  Laking istorbo ang pinaggagawa niya. Kesyo magbabakasyon muna,  magtutungo sa Amerika at mag-aaral?!

Problem child itong si Sunshine.  Masuwerte nga siya at nabigyan siya ng pagkakataon ng GMA-7.  Ang matinong artista ay merong obligasyon sa sarili para naman maging kahanga-hanga at irespeto ng publiko.  Ang mismong artista rin ang gumagawa minsan ng anomalya,

Imposibleng buntis daw si Sunshine.  Ikinakatwiran ang depresyon ng aktres kaya  isinugod kamakailan sa Cardinal Santos Hospital.  Hindi makontak si Sunshine dahil ayaw niyang sagutin ang mga isyung naglalabasan.  Kung buntis man si Bakekang kay Patrick, magkaka-problema dahil hindi pa annulled ang kasal ng lalake sa unang asawa.

BINATO NI REGINE Velasquez  ng kanyang sapatos ang isang gay fan sa audience ng taping ng Celebrity Duets last Saturday.

Nasaksihan ko ang eksenang ‘yun. Supporter ‘yun ni Jomari Yllana na tinawag ni Regine on stage habang hindi pa nagte-take. Malandi kasi ang bakla at maraming arte, feeling artista.  Ang katuwaan, kakanta si Regine ng “Single Ladies” at sasayaw ang bakla.  Kumanta na si Regine pero torpe pala ang bading, walang ginawa on stage kaya nasayang lang ang pagkanta ni Regine.  Naasar ang Asia’s Songbird at kinuha ang suot na sapatos at ibinato.  Pero biro lang ‘yun and not to harm the gay fan.

Pinipilit kasi nina Regine at Ogie Alcasid na maging masigla sa hosting nila.  Pinapataas nila ang kanilang energy.  Kasi nga, halatang pagod na rin sila sa dami ng trabaho nila sa network. Regine has to wear 5 inches high-heeled shoes para maging smart ang tindig niya at pagdadala ng damit.  Kaya di hamak na mas mataas siya kay Ogie. Pero after the show ay change to flat shoes si Regine.

Yes, gustung-gusto na nga niyang magbuntis kaya nag-iingat din siya sa kanyang mga galaw, pati pagsuot ng matataas na sapatos.

SINITA NG MANAGER ni Snooky Serna ang may-ari ng isang beauty and slim center.  Meron kasing lumalabas ng print ads ang slimming salon using the photo of Snooky.  Lumabas ito in one of the national dailies.

Kinausap ni Leo Dominguez si Micky Ho, ang may-ari. Hindi raw alam ni Leo ang deal tungkol doon. Bakit daw ginamit ang larawan nang walang permiso?

Kaibigan nina Micky Ho si Jun de Vera na dyowa ngayon ni Snooky. At ang aktres na nga ang image model nila. Doon nagpapa-slim si Serna.  Meron na silang verbal agreement tungkol sa ads na ‘yun. Sabihin na nating ex-deal ang usapan, dapat din siguro ay ipinagtapat ni Snooky kay Leo ang mga ganu’ng transaksiyon. Dapat ayusin ni Snooky ang kanyang pagbabalik.  Meron siyang movie ngayon, ang Sagrada Famila directed by Joel Lamangan.

By Chito Alcid
Acid Talk

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.