Regine Velasquez, nagkuripot sa sarili – Alex Brosas

MATAGAL NA PALANG feel ni Regine Velasquez ang bumili ng Hermes Bag. Ang kaso, sobra siyang namamahalan.

Itsinika ni Regine habang naghihintay ng kanyang cue sa grand finals ng Are You The Next Big Star? na noong nakaraang birthday niya ay binalak na niyang bumili ng Hermes bag. Ang kaso, hindi natuloy.

Ang kalahati ng perang dapat sanang ipambibili ni Regine ng bag ay idinonate na lang niya sa mga nasalanta ng bagyo. Kalahati nito, ipinambili niya ng tatlong Louis Vuitton bags.

Sabi nga raw ni Ogie sakanya, kung ibibili siya nito ng Hermes bag, wala siyang driver, wala siyang kuryente at ang pool nila ay wala na ring tubig. Napa-laugh kami.

Ang bait talaga ni Regine. Sobra siyang naapektuhan sa pagkatalo ni Jay Perillo sa Are You The Next Big Star? kaya pinuntahan niya ang binata sa backstage para sabihing gusto niya itong maka-duet. Sobrang flattered naman si Jay at ang nakakagulat na sabi nito, okay lang na walang isang milyon at isang condo unit na ilan sa prizes ng nasabing pakontes, isang malaking karangalan na raw ang maka-duet ang Songbird.

Ang nagwagi sa AYTNBS? ay sina Frencheska Farr at Geoff Taylor.

SUCCESSFUL ANG LAUNCHING ng debut album ni Miguel Mendoza sa Techno Wave, Il Terrazo sa Tomas Morato recently. Aside from family and friends, madaming taga-media ang dumating para pakinggan ang kanyang carrier single na Hanggang Tingin na siya mismo ang nag-compose at naglapat ng music. Birthday show na rin ni Miguel ang naturang okasyon noong August 21 kaya dagsa talaga ang mga sumuporta sa kanya.

Somebody ang title ng kanyang album na under distribution ng Star Records. Bukod sa may sarili siyang version sa kanyang ito ng Depeche Mode, ito raw ang napili niyang title dahil malapit sa puso niya ang naturang kanta.

Malayo na nga ang narating ni Miguel simula nang sumali siya sa Philippine Idol noong sixteen years old pa lang siya at last year nang maging 3rd placer sa second season ng PDA (Pinoy Dream Academy). Mas confident na ngayon ang ang talented na binata na lalo pa yatang gumuguwapo!

Hanga kami kay Miguel dahil kahit hindi siya nabigyan ng album ng Star Records ay wala pa rin siyang sinabing hindi maganda sa naturang recording outfit. Nagkaroon lang ng comparison dahil ang fourth place sa PDA ay nabigyan ng album samantalang siya na na third placer ay wala. So funny, ‘no?

ITINANGGI NI IMELDA Papin na may away sila ni Carmen Patena.

Say ng Juke-Box Queen, magkaibigan sila ni Carmen at hindi totoong magkaaway sila. Idol pa nga ang tawag ng singer kay Carmen dahil ito ang nagpauso nang paiyak-iyak  habang kumakanta. Pero hindi raw niya ito ginagaya. Madalas ding kasing umiiyak si La Papin kapag nagpe-perform.

Natanong si Imelda sa presscon ng two-day concert niya with Melissa Manchester na naka-schedule sa Sept. 18 sa PICC at sa Sept. 20 sa Pacific Grand Ballroom sa Waterfront Hotel & Casino sa Lahug City, Cebu.

Bongga si Imelda dahil may TV show siya sa US, ang Imelda Papin in America, at radio show, ang The Imelda Papin Voice of the Heart Radio Show.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Regine Velasquez, nagkuripot sa sarili – Alex Brosas

  1. isa to sa mga pinaka panget na bakla na nakita ko nakakasura ung mukha
    angg sarap subuan ng graba!
    tska buhusan ng asido!
    mas gusto ko pa siyang makita na sunog ung mukha eh!kesa ung mukha niang ito!nakakadiri!
    kht 1 billion pa ang ialok mu saken para tsupain mo ko wag na di bale na lng!

Leave a Reply

Your email address will not be published.