Regine Velasquez, magaling nang malamang may A(H1N1)!

NAGKA-A (H1N1) PALA SI Regine Velasquez nu’ng nakaraang linggo kaya hindi natuloy ang guesting nito sa concert ni Charice Pempengco.

Pati ang taping niya sa Are You The Next Big Star, hindi rin niya nasipot dahil nag-self-quarantine daw siya. Mabuti na lang, pumayag si Richard Gomez na last minute nag-pitch in sa kanya.

Ang nakakatawa lang, nalaman lang daw niya na may swine flu siya nang gumaling na ito. Pero nag-self-quarantine pa rin daw siya ng ilang araw sa kuwarto at talagang hindi raw siya lumalabas.

Hindi raw niya alam kung saan niya nakuha ‘yun pero sobrang mahina raw kasi ang resistensya niya kaya nakuha niya ang virus na ito.

Mabuti na lang at hindi raw nito nahawa si Ogie Alcasid na super-alaga naman sa kanya.

Kapag seryoso na ang pinag-uusapan tungkol sa relasyon nila ni Ogie, kinu-comedy na lang ni Regine ang mga sagot niya dahil masaya naman daw sila. Sa pitong taong relasyon nga nila, wala na raw siyang mahihiling pa.

Kung tungkol sa kasal na ang topic, wala pa siyang maisasagot dahil wala pa raw talaga, gawa nang hindi pa rin naman kasi annulled sina Ogie at Michelle Van Eimeren dito sa Pilipinas.

Sa Australia, matagal nang divorced ang dalawa kaya magpapakasal na nga si Michelle na sobrang suportado pa nina Ogie at Regine.

Wala pa raw maisip si Regine kung ano ang kakantahin niy,a pero kakanta nga raw siya sa church ceremony ng kasal nina Michelle at ng Australyanong boyfriend nitong si Mark Murrow. Pati sa reception, kakanta rin daw sila ni Ogie dahil masaya na rin sila para kay Michelle.

Groom’s man pa raw si Ogie kaya parang ang weird isipin na ang lalaking kasama ng pakakasalan ni Michelle ay dati niyang asawa. Pero masaya raw kasi sila kaya walang isyu ‘yun sa kanila at suportado nila ang isa’t-isa.

I’m sure, kapag ikakasal na sina Ogie at Regine, nandiyan din ang suporta nina Michelle at ng bago niyang asawa.

Abala ngayon si Regine sa paghahanda sa concert niya sa August 1 at 8 na gaganapin sa SM Skydome.

TOTOO KAYA ‘YUNG kuwentong nakarating sa akin na nu’ng nakaraang FHM party raw, habang rumarampa ang mga nagagandahan at mga seksing models, isinisigaw raw ng mga kalalakihan ang pangalan ni Maricar Reyes?

Nakakaloka naman! Naging pantasya na talaga ng mga kalalakihan si Maricar dahil bonggang-bongga naman kasi ang performance nito sa sex video nila ni Hayden Kho.

Nawala na nga yata ang elya nila kay Katrina dahil ang comment daw ng mga kalalakihan, tamad ito. Samantalang si Maricar, bongga kung magtrabaho.

Ano ba ‘yan?! Ang ganda pa naman ng exposure ni Maricar sa ABS-CBN 2 at pinapanood nga ang drama series nito ‘pag Linggo, dahil ang nasa isip yata ng mga nanonood ‘yung napanood nila sa sex video.

In fairness naman kay Maricar, magaling siyang umarte kaya dapat talagang bigyan ng break ng ABS-CBN 2.

Kaya lang, kalian naman makakalimutan ng mga tao ang pinag-usapang sex video niya? Hindi pa rin kasi siya nagsasalita hanggang ngayon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Regine Velasquez, magaling nang malamang may A(H1N1)!

  1. Itong si Regine palaging mukhang may maskara sa kapal ng makeup na suot. Ilang baldeng makeup kaya ang nauubos nito isang buwan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.