Regine Velasquez is having hard times in her pregnancy

WALA PALA SI Rufa Mae Quinto sa tabi ng kanyang Lola Lucing matapos itong sumailalim sa isang operasyon last Thursday, June 9. Ito ang malungkot na ibinalita sa amin ng sexy actress-comedienne nang maka-text namin ito the night before the operation, Wednesday, para kumustahin ang kalagayan ng kanyang pinakamamahal na lola.

Nasa shooting ng Temptation Island sa Ilocos Norte si P-Chi nang makapalitan namin ito ng text. Malungkot pero kailangan n’yang tapusin ang kanyang commitment.

Nu’ng Linggo lang nakabalik ng Manila si Rufa Mae na miss na miss n’ya na raw ang kanyang lola. So ngayon, mas madali para sa kanya na maalagaan ang kanyang lola, dahil balik Maynila na s’ya.

 

ISA NGA SA mga naging judge ang mag-aapat na buwang buntis na si Regine Velasquez kasama ang kanyang mister na si Ogie Alcasid at Celeste Legaspi sa ginanap na grand finals ng OPM@Pagcor singing contest last Friday night sa Pagcor Casino Theater sa Parañaque City.

‘Yun nga lang, hindi kumanta ang singer-actress.

Matapos itanghal na grand champion si Marie Joyce Tanana at kantahin nito muli ang kanyang winning piece na “Tila” na kanta ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha, nakita namin sa gilid ng stage na tsinitsika ng Asia’s Songbird ang isa sa naging emcee ng contest that night at isa sa ninang nila sa kasal ni Ogie na si Nanette Inventor.

Naulinigan namin na kinukuwento ng misis ni Ogie sa kanilang ninang na medyo na-ging masasakitin diumano s’ya. Marahil ang tinutukoy ni Regine kay Nanette ay nu’ng mga unang ilang linggo pa lang ng kanyang pagbubuntis.

Ayaw magpa-interview ni Regine, lalo na sa mga TV crew, dahil sa tingin n’ya siguro ay hindi gano’ng ka-pleasant ang hitsura n’ya. Pakiramdam yata kasi talaga n’ya ay lalo s’yang lumolobo habang papalaki ang kanyang tiyan.

Pero masuwerte kami at nakatsika namin kahit sandali si Regine habang inaalalayan namin s’ya pabalik ng dressing room. Sinabi ni Songbird na tapos na raw s’ya sa paglilihi at medyo nagda-diet s’ya ngayon. Ang rice intake n’ya raw minsan ay half to one cup lang sa isang araw. Medyo tumataas daw ang kanyang blood sugar, kaya kailangan niya ring mag-diet para mag-normalize ang sugar niya. Mga prutas din daw ang ilan sa mga pinagkakain n’ya ngayon na medyo mode-rate lang din sa kanyang intake.

Okey lang din daw kay Regine kung baby boy o baby girl ang kanilang magiging panganay. Buwan-buwan daw ay nagpapa-ultrasound s’ya, pero sa ika-limang buwan pa nga raw n’ya, gaya ng sa lahat ng mga nagbubuntis, malalaman o masisiguro nila ang kasarian ng kanilang anak.

Sabi ni Regine, pangalawang beses pa lang daw n’yang magpakita sa maraming tao sa isang event. Ang una ay sa 25th wedding anniversary nina Sen. Bong Revilla at Congw. Lani Mercado kung saan nakipag-duet pa ito sa kanyang asawa.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

One thought on “Regine Velasquez is having hard times in her pregnancy

Leave a Reply

Your email address will not be published.