Regine Velasquez, humihiling ng dasal para sa ama

NAIINTRIGA NA ang mga reporter sa ipinost ni Regine Velasquez sa Instagram account niya na humihingi ito ng dasal para sa papa niya, kay Mang Gerry.

Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan ngayon ni Mang Gerry, pero siguro may sakit nga raw ito at hindi pa alam kung ano ang kalagayan.

Pinag-uusapan na naman kahapon dahil nagpu-post na naman daw ito ng mga lumang litrato nila ni Mang Gerry.

Kaya nagwu-worry na ang mga taong malapit sa kanila kung ano nga ba ang tunay na kalagayan ni ng ama ni Regine.

Ang alam ko malakas magsigarilyo si Mang Gerry at hindi raw ito mapigilan. Pero siguro sana okay na siya at tuluy-tuloy na ang paggaling.

Ang dami ngang nagpapadala ng mensahe kay Regine na ipinagdarasal nila ang agarang paggaling ng kanyang ama.

Alam ko kagabi ay sinilebrayt ni Ogie ang kaarawan niya sa Wil’s Place.

Hindi ko lang alam kung nandu’n din si Regine, pero sinadya siya ru’n ng mga reporter para kumustahin si Mang Gerry.

Ni-repost nga ni Ogie ang ipinost ni Regine na humihingi ito ng dasal. Sinabi rin ng songwriter na, “Prayers for Mang Gerry’s health and for strength in these trying times for the Velasquez clan. Thank you and God bless you.”

 

Michael V, sobrang praning na sa lamok

 

NAPAG-USAPAN NA rin ang paggaling, magaling na magaling na pala si Michael V na muntik-muntikan na nu’ng nagka-Dengue ito.

Nakita ko sa siya sa taping ng Bubble Gang at okay na okay na ito.

Pero natakot din daw nu’n si Bitoy dahil sobrang bumaba na nga ang platelets niya, ‘di ba? Mabuti at maraming nag-donate ng dugo at talagang nagdasal para sa kanya, kaya nalagpasan niya ito.

Kaya alam ko gagaling din si Mang Gerry ni Regine dahil sa dami nang nagdarasal para sa kanya.

Pero balik tayo kay Bitoy, sobrang napa-praning na raw ito ngayon sa mga lamok.

Ingat na ingat ito sa mga taping at sa mga lugar na pinupuntahan niya, at baka makagat na ito ng lamok na may dalang Dengue.

Iba na raw ang nag-iingat, eh.

 

Thea Tolentino, bida na sa serye pero wala pa ring kotse

 

NAGSIMULA NA ang Pyra nu’ng kamakalawa ng hapon at kabadung-kabado ang bidang si Thea Tolentino dahil siya na ang bida rito kasama ang winner din sa Protégé na si Jeric Gonzales.

Pero nakakatuwa itong si Thea dahil napakasimple lang. Hanggang ngayon ay wala pa pala itong kotse kaya nag-rent muna ito ng condo unit malapit sa GMA-7 dahil sa Laguna pa pala ito nakatira.

May condo unit ito sa Pasay na napanalunan niya sa Protégé, pero hindi rin niya ginagamit dahil malayo raw sa trabaho.

Kaya dasal ni Thea na tuluy-tuloy na raw sana ang magandang takbo ng career niya para makabili na siya ng kotse na gagamitin niya sa halos araw-araw na taping.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Regine Velasquez, humihiling ng dasal para sa ama

Leave a Reply

Your email address will not be published.