Regine Velasquez, having uneasy pregnancy

AYAN! KALAT NA kalat na ang isyung pagbubuntis ni Regine Velasquez!

Kaya absent ito sa Party Pilipinas nu’ng Linggo at pati sa taping ng I Heart You, Pare! kinabukasan dahil sa hirap na hirap pa rin daw ito sa migraine niya.

Wala pang kumpirmasyon mismo kina Ogie Alcasid at Regine dahil ang dinig ko lang may conflict ito sa kontratang napirmahan kaya malamang na aayusin muna nila ‘yun bago nila i-announce ang pagbubuntis.

Pero ang kuwento, mahigit isang buwan na raw ang dinadala nito at hirap daw si Regine dahil sumasabay naman ng atake ang migraine niya.

Tuwing umaga raw ito inaatake na parang ito na nga yata ang morning sickness niya.

Kawawa naman si Regine pero siguro tinitiis na lang niya dahil gustung-gusto naman nila ni Ogie na magka-baby na.

Hintayin na lang natin ang kumpirmasyon nila mismo dahil magkakaroon daw sila ng presscon kaugnay dito.

Kung hirap nga si Regine sa pagbubuntis niya, matutuloy pa kaya ang bakasyon nila sa Australia at ang honeymoon sa Italy?

Tingin ko diyan, hindi na, ‘di ba?

NAKAW-EKSENA RAW SI Lovi Poe sa premiere night ng Deadline nu’ng nakaraang Linggo na ginanap sa SM The Block.

Kasi naman may cute na binata raw ito na escort na kinalkal siyempre ng mga reporter kung sino ito.

Neil Fereira raw ang pangalan nito na anak pala ng consul general ng Kazhakstan.

Bongga! May visa na si Lovi pa-Kazhakstan? Wa na ‘yung Hong Kong-Hong Kong, Kazhakstan na?

Ang sabi naman nila, kaibigan lang daw ‘yun ni Lovi at hindi naman yata pumoporma.

Sabi naman kasi ni Lovi, wala muna siyang panahong ma-in love uli ngayon dahil abala raw siya sa trabaho.

Lalo na ngayong wagi siyang best actress sa nakaraang Golden Screen Awards, lalo raw siyang inspiradong mag-work.

Pero ano naman itong narinig kong sa totoo lang, hindi naman daw talaga break sina Lovi at Ronald Singson?

‘Yun na lang daw ang ipinalabas para matigil na ang pangungulit sa kanila dahil tahimik na rin muna si Ronald na nakakulong sa Hong Kong.

Magkakaalaman din iyan!

In fairness, lalong gumanda ngayon si Lovi kaya tiyak na dadagsain na ‘yan ng mga manliligaw.

Ang sabi naman niya, kahit makipag-date ay wala raw siyang panahon kaya ewan ko lang, ha? Baka naman talagang hindi pa siya puwedeng tumanggap ng mga manliligaw at makipag-date dahil meron pa ring Ronald Singson?

Hintayin na lang natin iyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.