Regine Velasquez, finally an expecting mother!

AFTER CONFIRMING THAT she is several weeks pregnant, Asia’s Songbird Regine Velasquez has decided to take a break from showbiz. Katatapos lamang niyang ipagdiwang ang kanyang birthday at ang kanyang pagdadalantao ay talagang maituturing na isang malaking regalo sa kanya.

Bilang isang kaibigan, natutuwa ako for Regine dahil magiging nanay na siya sa wakas. Ito na lang siguro ang masasabi nating kulang sa kanya. She has a loving husband, a supportive family, and a successful career.

Mabait siyang anak kaya naman patuloy ang pagdating ng suwerte sa kanya. She has been in the industry for 25 years and to stay this long in showbiz is an awesome feat. Regine has her fair share of hits and misses, ups and downs, successes and failures pero hanggang ngayon she’s on top of her game.

Sabi ko nga sa The Buzz, nasubaybayan ko si Regine kung paano siya nagsimula at nakita ko rin ang kanyang mga pinagdaanan para mara-ting ang pedestal na tinutungtungan niya ngayon. She has an amazing life story na puwedeng pang-telebisyon o pampelikula. ‘Ika nga, may saya, may luha, may aksiyon, may romance, may pagkabigo, at may tagumpay – mga sangkap na nagpapasarap, nagpapakulay at nagpapatingkad sa buhay ng nag-iisang Regine Velasquez.

Ang kanyang mga pinasikat na awitin ay maaaring maging theme song ng buhay at pag-ibig ng kahit sino. Kung nabigo ka sa pag-ibig ‘and’yan ang “Kung Maibabalik ko Lang” at “You’ve Made Me Stronger”; kapag na-in-love ka naman, “Please Be Careful with My Heart,” “Ikaw,” “Pangarap Ko ang Ibigin Ka,” at “Kaila-ngan Ko’y Ikaw”; kung torpe ka sa babaeng crush mo ay kakantahan ka niya ng “Urong Sulong”; sa lalaking hindi ka man lang pinapansin there’s the song “Narito Ako”; at sa isang taong nangangarap umasenso sa buhay pagdating sa Maynila andyan ang kantang “Promdi.”

Masaya siyempre si Ogie (Alcasid) at asikasung-asikaso ang kanyang misis. Sinabi niya sa isang interview na kailangan niyang maging nurse kay Regine. Hindi na makakasama ni Ogie si Regine paglipad nito patungong Australia sa July para bisitahin ang mga anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren na sina Leila and Sarah.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

2 thoughts on “Regine Velasquez, finally an expecting mother!

  1. Boy Abunda, try readin g the Pepster comments, re: Robin /Mariel catholic wedding. Puro negative. Ha Ha. . ..This is a clear indication that no matter what damage control you do, they have reached the point of no return. Sirang sira na. YOU ARE PARTLY TO BLAME, BOY ABUNDA.

  2. Correction po: “Regine Finally, AN EXPECTANT Mother”…Not expecting. sus ginoo/