Regine Velasquez, excited na makasama sina Dingdong Dantes at Alden Richards

Regine-VelasquezINAMIN DIN ni Regine Velasquez na totoong tinanggihan niyang mapasama sa Sunday TV show ng GMA 7, kung saan makasasama sana niya sina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera.

Ang ibinigay na dahilan ng misis ni Ogie Alcasid, ‘di ma-take na siya lang ang mare-retain sa ipapalit na show, at ‘yung mga dating mga kasama ay hindi kasama, is short, tsinugi nang tuluyan.

Ayon sa Asia’s Songbird, siya raw dapat ang sa musical side ng ipinalit na Sunday Pinasaya, pero dahil sa hiya at naawa raw siya sa mga kasama niya noon sa Sunday All Stars na siya lamang ang binigyan ng bagong trabaho, kaya hindi niya tinanggap at sa halip ay ang pagiging isa sa mga hurado ng Starstruck 6 ang tinanggap niya.

Na-excite na si Regine sa pictorial pa lang ng show nang makita niya ang 35 contestant dahil first time siyang magiging judge ng isang artista reality search.

Isa pa sa ikina-excite ng Asia’s Songbird ay makakatrabaho niya ang main host ng artista search na si Dingdong Dantes na naging leading man niya sa I Heart You Pare, at first time niya makatrabaho si Megan Young na co-host ni Dingdong na nanggaling din sa Batch 2 ng Starstruck. First time din niyang makakatrabaho sina Joey de Leon at Jennylyn Mercado bilang mga hurado ng Starstruck 6. At muli naman niyang makakasama ang mga dating kasama sa Sunday All Stars na sina Kris Bernal, Rocco Nacino, at Mark Herras as mga segment host ng naturang artista search.

Tinanong si Regine bilang isa sa mga hurado ng nasabing reality artista search, kung paano at ano ang hahanapin niya sa 35 na contestant. Walang malisya at kagatul-gatol namang sinabi ni Regine na hitsura ang una niyang hahanapin sa mga hopeful candidates.

“Ang hahanapin ko ‘yung looks. ‘Yung may dating. Kasi ‘yung acting ay mapag-aaralan sa pamamagitan sa workshop. Pero ‘yung dating ng isang tao, kanya lamang na hindi puwedeng pag-aralan. Tulad ni Alden (Richards) na sikat na sikat na ngayon. Nakita ko na ‘yan sa kanya nang makasama ko siya sa mga shows at napatunayan ko ‘yan nang magsama kami sa Bet Ng Bayan. Nakita ko kung gaano siya kabait at ka-dedicated sa trabaho. Yes, guwapo siya, pero may mas guwapo pa sa kanya, pero ‘yung dating niya, iba. Kaya natutuwa ako kay Alden dahil dumating na ang right time para naman kilalanin na ang kanyang kakayahan,” pahayag pa ni Regine.

Samantalang itinanggi ni Regine na aalis na siya sa GMA 7 oras na mag-expire na ang kontrata. Ang paglabas daw niya sa Sunday TV show ng Kapatid Network ay para sorpresahin ang birthday celebration ng husband na si Ogie Alcasid at para na rin sa reunion nila ni Janno Gibbs.

“Hindi ako lilipat ng ibang network. Ayaw ko nang palipat-lipat. Nag-expire na ang kontrata ko sa GMA 7 last July and I am working now under may new contract. Comfortable ako rito at enjoy akong gumawa ng romantic comedy. Maluwag sila (GMA 7) at nai-enjoy kong maging mom ng anak ko na si Nate kahit nagtatrabaho ako. Una pa rin kasi sa akin ang maayos na pagpapalaki sa anak namin ni Ogie. Ayaw ko siyang mapabayaan lalo na ngayon marami na siyang alam at marami nang tanong. He will be turning four na sa November 4,” say pa ng Asia’s Songbird.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleMga show sa TV5, isa-isang tinitigbak
Next articleLiza Soberano, nagbunga na ang pagtitiyaga sa tulong ng manager na si Ogie Diaz

No posts to display