Regine Velasquez, ‘di puwedeng lumayas sa Siyete

HANGGANG NGAYON, palaisipan pa rin sa nakararami ang pagsunod na rin raw ni Regine Velasquez sa TV5, matapos na maging isang Kapatid talent na rin ang husband niyang si Ogie Alcasid.

Lalong umugong ang paglipat at pagsunod na rin daw ng Songbird sa Kapatid Network, matapos na magpahayag si Ogie kamakailan na nag-expired na rin ang kontrata ng Songbird sa GMA-7.

Pero tulad ng dati, kahit anong pilit na tanong kay Ogie kung makakasama na rin niya ang misis na si Regine sa TV5, isang malakas na tawa at pahayag na hindi raw niya pinakikialaman ang desisyon ng asawa pagdating sa showbiz career.

Anyway, napag-alaman namin na kung si Ogie ay malayang nakalipat ng TV5 nang mag-expired ang contract nito sa GMA-7, malabo naman daw mangyari ito sa parte ni Regine.  Ang kontrata raw kasi ng Songbird sa GMA-7, kahit mag-expire ay may clause ng option to renew pa rin. Kaya kung ganito ang sitwasyon ay mananatiling Kapuso ang Songbird.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

9 thoughts on “Regine Velasquez, ‘di puwedeng lumayas sa Siyete

  1. lumipat siya or hinde laos man siya or hinde  still icon na siya at mahihirapan na kahit sino makalampas sa achievement niya or ma duplicate man lang REGINE is REGINE , yung iba d2 maka comment lang galit na galit , may galit kay regine ? hehe aminado ako idol ko siya pero if ever di ko siya idol ipagtatangaool ko siya sa mga bashers and haters  niya , bitter lang sobra ? wala ginawa sa inyo yung tao she has contributed a lot sa music industry and even in movie industry !

  2. Itong Nestor Ponce kung mag english nakakasakit ng ulo.. magtagalog ka na lang… English Kalabaw ka naman.. Alam nyo si Regine V. talent ang nagustuhan ng tao sa kanya.. exeptional ang talent nya kaya di sya mawawala sa showbiz industry. Di yan malalaos syempre di na katulad noon kasi may edad na rin sya… kumbaga para syang Barbara Streisand ng Pinas… Di ko ma imagine ang showbiz industry na wala si Regine lalo na pag singing ang pag uusapan.. Iba ang boses nya Teng!!!

    • Dave I know that she is talented but it does not change the fact that she is already old hahahaha, aminin na kasi.  We are all going there anyway.  Why is it hard for people to accept the fact that our cycle in this world is from being an infant, to being a young adult and becoming a mature adult and a senior citizen?  Just saying you know.  We all get old someday somehow and Regine, Zsazsa, Sharon, Lea and other good singers out there in the Phils are getting to that stage where we can now call them HENS NOT CHICKS hahahahaha.  But you’re right their caliber is that of Barbara Streisand and other older good singers in the US and around the world.

    • Hahahha, agree.  Wala na ring twinkle itong si Songbird, hindi na kasi bata, wala nang ningning.  Yan talaga sa showbiz, enjoy your status while it lasts.  Ang dami na kasing nagsidatingan na mga bata at maganda pa at may mga boses rin.  Kaya, she’ll just accept it, she’s now in the league of Pops, Kuh, ZsaZsa at iba pang may edad nang singers, magaling nga silang kumanta pero let’s face it, people are clamoring for new young artists.  Nakakasawa na kasi yong may mga edad na. Mga magagaling nga sila but let’s face it and be honest about it, their prime is over.   Opinion ko lang naman ito.

      • Ikaw ba ito Ogie or baka si Regine,  aminin na kasi may edad ka na at yong pa cute cute mo sa pagkanta wala na talagang twinkle twinkle little star.  Magaling ka ngang kumanta, pero let’s face it, nagsidatingan na rin ang mga bata pa, maganda na at mas makabirit pa sa yo.

      • galit na galit ka teh konti respeto lang di naman sinabi ni regine na siya pa rin ang in demand ngayonat in her prime  alam niya status niya sa industry ,cant help to comment here be happy na lang and good vibes :-)

      • si nestor kung makapagcomment e parang tinatrabaho nya talaga ang ins and outs of showbiz….pinagdidiinan nya ang edad is a disadvantage in this world…. kung ganun e di sana wala ng sumikat na may edad? it’s really understood that people are sometimes asking for a new one…. no one will be contented in what he has…. pero come to think of this: kahit gaano mo kapaborito ang isang putahe there are times na magsasawa k rin… but still paborito mo pa rin…. hahanaphanapin mo p rin…. c regine isang putahe na marami ang nagkagusto…. so mahirap alisin sa panlasa… sa industriyang ito…. sa industiyang ito e hindi mahalaga kung sino ang magaling… it’s a matter of how you strategized your career… hindi k basta basta lagi n lang magpapakita at lalantad sa public kung wala kang magandang gimik…. maaaring bumubwelo c regine s career nya…. knowing that regine is a very talented and well organized pagdating sa pagplaplano ng career nya…

Leave a Reply

Your email address will not be published.