Regine Velasquez, ‘di napigilang maging emotional sa Valentine concert

Regine-VelasquezCONGRATULATIONS SA napaka-successful na Valentine concert nina Martin Nievera at Regine Velasquez na Voices of Love na ginanap sa SM-MOA Arena nu’ng nakaraang Biyernes.

Hindi napigilan ni Regine na maging emotional nang kinanta na niya ang tribute para sa kanyang ama.

Hindi nga niya nabuo ang kantang Leader of the Band, pero isinali pa rin du’n sa kinanta niya para sa Papa niya.

Kaya lang hindi nakanta nang maayos ni Regine kaya sinalo raw ito ni Martin, dahil iyak na siya nang iyak.

Hindi raw talaga niya napigilan dahil ngayon lang daw unti-unting nag-sink in sa kanya na wala na talaga si Mang Gerry.

Iyon ang kauna-unahang concert niya na wala si Mang Gerry kaya siyempre maiiyak talaga siya.

Pero successful pa rin ang concert, kaya congratulations kina Regine at Martin.

 

NGAYON NA pala magsisimula ang Innamorata na pagbibidahan ni Max Collins kaya malaking challenge ito sa kanya, dahil ipinagkatiwala na sa kanya ng GMA 7 na magbida sa project na ‘yun.

Sa hapon ito mapapanood kasama sina Jackie Rice, Luis Alandy at Dion Ignacio.

Nagtataka lang ako bakit ginawang support na si Jackie, eh nagbida na ito sa ilang drama series ng GMA 7.

Bakit balik-support uli siya? Tama kaya ‘yun?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Regine Velasquez, ‘di napigilang maging emotional sa Valentine concert

Leave a Reply

Your email address will not be published.