Regine Velasquez, `di na masaya sa SOP?!

NAKABABALIW NAMAN KUNG totoo ang chikang namimiligro nang mamaalam sa ere ang SOP ng GMA, na nang mag-reformat para maging SOP Fully Charged ay ‘di nakahirit sa ratings ng kalabang ASAP ng Dos.

May chismax (again, chismax) na until end of February na lang o March ang Sunday show ng Siyete at diumano’y papalitan na ito ng totally new show. Unang naringgan ang kampo ni Regine Velasquez na hindi na umano ito masaya sa pagkaka-reformat ng show.

Sumunod na mga linggo, nasulat na until June na lang ang contract nina Regine at Ogie Alcasid sa Siyete at in principle ay naka-oo na ang mga ito na lumipat sa pinalalakas na TV5 in the coming months.

As we write this, nag-text kami sa ilang taga-GMA kung totoo ang chikang ito, pero wala pa silang reply tungkol sa isyu. How true?

MUKHANG tinamaan nga talaga si Jake Cuenca sa kasalukuyang type niya na si Melissa Ricks, at mapapansing tila in love ang aktor sa dalaga. Kaso, may lumabas na isyung nakita siyang kasama ni Liz Uy, ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz, kaya iniintriga si Jake.

It turned out na birthday pala ni Liz ang event na nakita siyang dumalo, and since matagal na niya itong kaibigan nu’ng ‘di pa man siya kilala sa showbiz, eh, hindi siya nakalimot puntahan ang kaarawan ni Liz.

“Birthday party niya ‘yun and I just dropped by along with Anne (Curtis) and Georgina (Wilson). They’re all my friends. Dumaan lang ako, nagbigay-pugay. Walang malisya ‘yun. Model pa lang ako, magkakilala na kami,” say ni Jake na kasama sa Rubi ni Angelica Panganiban.

Going back to Melissa, aminado si Jake na ito ang closest girl sa puso niya sa ngayon, kaso eh, ayaw nitong maging hadlang ang kanyang pagtingin kay Mel sa magandang takbo ng career nito.

“She’s very busy now and very blessed as well. Kaya ako na rin ang nagsasabi sa kanya na you know, prioritize your career kasi opportunities like these don’t happen everyday.

“I’m a very big admirer of her. Lagi akong susuporta sa career niya… But then again, hindi ako naniniwala sa panliligaw, eh. Ang pinakainaasahan ko ay ‘yung talagang magkaibigan, tapos magkaka-developan eventually. That way mas nakikilala n’yo nang maigi ‘yung isa’t isa, eh. Sana magtuluy-tuloy,” say ni Jake.

Kasama rin nina Jake at Angelica sa Rubi sina Diether Ocampo at Shaina Magdayao sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

MAY CHIKANG SINA Jewel Mishe at Lovi Poe ang dalawa sa matutunog na pangalang magiging next leading ladies ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell ng GMA-7, na nakatakdang i-tape na sa mga susunod na linggo.

Nauna rito, akala nami’y sa Panday Kids papasok si Lovi, pero pinalitan nga ito. ‘Yun pala’y ipapasok siya sa Captain Barbell with no less than Chard, and it’s not a bad idea at all and a better deal, we think. Although curious din kami sa Panday Kids dahil bago ring itong handog ng Kapuso.

Sa lovelife, balitang diamond earrings ang iniregalo ni Ronald Singson kay Lovi sa birthday nito. Si Ronald ang business partner ni Jomari Yllana sa events production company nitong Fearless Productions. Kaya naman pala present ito sa premiere night ng Sagrada Familia na pinagbibidahan ni Lovi, held recently sa Robinsons Galeria.

As for Jewel, it’s about time na bigyang muli siya ng leading lady role ng GMA, dahil after all, eh, home-grown talent naman ang young actress ng istasyon. Isa si Jewel sa may magagandang mukhang produkto ng Siyete, kaya’t sana’y maalagaan na ito this year, at ‘wag nang itago pa sa publiko kung totoo mang may “secret relationship” sila ni Chard, tulad ng ispekulasyon ng marami sa press.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

One thought on “Regine Velasquez, `di na masaya sa SOP?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.