Regine Velasquez, ‘di kayang kantahin ang mga paborito ng yumaong ama

Regine-VelasquezMUKHANG NAKARE-RECOVER na si Regine Velasquez sa pagkamatay ng ama niyang si Mang Gerry.

Okay naman siya nu’ng humarap ito sa presscon ng Valentine concert nila ni Martin Nievera na Voices of Love na gaganapin sa SM-MOA Arena sa February 14.

Kaya lang sabi ni Regine, hindi pa raw niya kayang kantahin ang mga paboritong awitin ng papa niya.

Alam ko ang kantang Leader of the Band at Unchianed Melody ang laging kinakanta ni Regine sa papa niya. Kaya kung kakantahin niya ito sa concert baka hindi naman daw niya makanta nang maayos.

Sabi nga ni Martin, nakahanda naman daw siyang sumalo kay Regine kung sakali. Kaya lang hindi naman puwedeng lahat ng kakantahin ni Regine, pag-aralan niya, ‘di ba?

Sabi kasi ng Asia’s Songbird, magiging emotional lang daw siya tiyak kaya mabuting huwag na lang daw muna niyang kantahin.

Mabuti na lang na kahit papano ay napaghandaan nina Regine ang pagpanaw ni Mang Gerry dahil matagal din siyang nakaratay sa hospital.

Sabi nga ni Regine, kung naiisip daw niya hirap daw talaga maka-recover ang papa niya, kaya kahit papano napaghandaan naman daw nila. Pero siyempre mami-miss talaga nila si Mang Gerry dahil lagi niyang kasama ito, eh.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Regine Velasquez, ‘di kayang kantahin ang mga paborito ng yumaong ama

Leave a Reply

Your email address will not be published.