Regine Velasquez, ‘di dapat nagpapapatol sa nanlalait sa kanyang anak!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly! Pak!

Kumustahin naman natin ang mga eksenang chikahan ng nag-iisang reyna ng chikka. Alam mo namang nagsi-mula lang naman ito talaga sa blind item. Pero ngayon, mukhang given na ito.

Kasi naloka ako sa chikka na pinintasan daw ng mga fans ang anak ni Regine Velasquez. Pero sana rin lang daw, ‘di na nag-react si Regine, kasi talaga namang pangit daw ang dyunakis niya. Talaga namang tsakabels naman daw talaga ang mga magulang. Gumanda lang naman daw itong mga ito sa ngalan ng siyensya, kasi parehas silang retokado at retokada. May pera naman sila, paglaki ng anak nila, magagawa na rin nila na gumanda ang kanilang anak.

In fairness naman sa mga fans, dapat ‘di na lang sila nag-comment. Kasi wala namang kinalaman ang baby, kawawa naman, baby pa lang, iniintriga na.

Dapat kay Regine, mag-reduce na siya, kasi naghahabulan na sila ni Sharon Cuneta sa katabaan. Hindi talaga bagay sa kanila ang mala-Dabianang katawan. Kasi mga performer sila… Pak!

ANOTHER CHIKKA naman ito. Kumustahin naman natin ulit ang awayan nina Sharon at Helen Gamboa. Si Judy Ann Santos daw, nakikisawsaw sa mag-tiyahing Sharon at Helen, kaya lalong lumalala ang hindi pagkakaunawaan ng mga ito.

Payo ko sa kanila, kung may respeto sila sa kanilang sarili, dapat hindi na ito pinapaabot pa sa media or twitter. Ang dapat sa kanila, magpakumbaba na lang si Sharon at kausapin nang masinsinan – heart to heart – para maayos na ang gusot nila. Kasi marami na’ng mga lumalabas na kanya-kanyang version.

At ano naman ang karapatan ng isang Judy Ann para manghimasok sa kanilang gusot na ang totoong pinagmulan ay pulitika. Tanging si Mommy Elaine, kapatid ni Helen at ina ni Sharon, ang may karapatang mamagitan diyan. Kaya lang, medyo hindi yata pinapaalam sa kanya dahil sa kanyang karamdaman.

Sila lang ang dapat mamagitan diyan, hindi kung sinu-sino na hindi naman nila alam ang tulad ni Judy Ann. Bakit pati mga fans nina KC at Piolo pinapakialaman. Hanggang ngayon, hindi siya maka-move on. May asawa’t anak na siya. Ano na lang ang sasabihin ni Ryan Agoncillio?

At p’wede ba, tigilan ninyo ang hidwaan nina, Sharon at Helen. Balang-araw, kayo ang masisisi niyan, mga pakialamero. Hahahaha! Maloloka ka talaga sa Earth!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleActing award ni Dingdong Dantes, kinukuwestiyon pa rin!
Next articleJericho Rosales, inamin na ang GF na si Kim Jones!

No posts to display