Regine Velasquez at Ogie Alcasid, lilipat na rin sa Singko?!

MUKHANG tototohanin na nga ng TV5, sa pamumuno ng new leader nitong si Manny Pangilinan, ang pagbabadya nilang humataw sa taong ito dahil sa nagsisimula nang paglipat ng mga named stars sa nasabing network na sinasabing number 3 na ngayon after ABS-CBN and GMA or vice versa.

Ayon sa balita, pumirma na ng non-exclusive contract sina Diamond Star Maricel Soriano at Comedy King Dolphy sa TV5, both coming from the Kapamilya network.

It turned out na si Marya ay hindi pinili ang Kapuso network tulad ng unang na-chismax noon since nasa Siyete na ang manager nitong si Malou Choa-Fagar na executive producer ng Eat… Bulaga! Nu’ng ka-text namin si Tita Malou a few months back, eh, makikipag-set pa lang ito ng meeting with ABS-CBN executives tungkol sa nag-expire nang contract ni Maricel sa Dos.

As we go to press, wala pang reply si Tita Malou kung true ang chikang pumirma na ito ng kontrata sa Singko. Kung true man, mukhang mas maganda ang offer ng TV5, at feeling ng marami, fabulous din ang talent fee.

Isang TV special muna ang gagawin ni Marya sa Singko, at susundan ng isang drama series. Hindi pa lang alam ang ibang detalye tungkol sa mga nasabing shows.

Kung maaalala natin, ang tagal na ring walang bagong show si Maricel Sa Dos, Florinda pa ang huli at ‘di na nasundan.  Eh, ang alam namin, matagal na ring natapos ni Marya ang pag-tape noon. Knowing Maricel, hindi naman ito papasok sa isang deal with a network kung feeling niya, eh, talo siya.

Kay Mang Dolphy naman, tuluyan na nga yatang shelved ang kanyang show sa Dos na Utoy with Makisig Morales (na nagbibinata na) at ang last regular show nito ay John en Shirley, at tila expired na rin ang contract sa ABS-CBN.

Isang sitcom ang nakaabang na gawin ni Mang Dolphy sa Singko.

Kung expired na ang contract at kundi naman nagkasundo ng renewal terms at kung mas may “panalo”namang offer with TV5, for sure, yon na ang kinagat ng dalawang malalaking stars na for sure, eh, malaking tulong upang mapalakas ang Singko, huh!

UNA NANG LUMIPAT sa Singko as the very first exclusive contract star si Paolo Bediones na binigyan din ng mataas na katungkulan sa News and Public Affairs Department.

Happy na si Paolo sa kanyang kasalukuyang puwesto at trabaho sa TV5 mula nang lumipat ito roon dahil nagagawa raw niya ang mga gusto niyang gawin na matagal na niyang hinintay. Ewan kung true naman ang chikang nai-insecure na raw si Martin Andanar kay Paolo na mas pioneer sa News department ng said network.

Sa News pa rin, ikukumpirma pa namin kung lumipat na rin doon si Luchi Cruz-Valdez na galing sa Siyete bago lumipat ng Dos.

Kakalokah ang pag-ober-da bakod ng News people sa Singko dahil lumilitaw rin ang mga pangalan nina Cheryl Cosim at Karen Davila, na ilang taon na ring loyalista sa ABS-CBN. Pero sabi nga, kung hindi na happy, fly na!

As it is, mawala man sina Cheryl at Karen sa Dos, nandiyan pa naman sina Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, Pinky Webb, Cheche Lazaro, and Ces Drilon. May chika pa ngang nagtatampo raw si Cheryl dahil Salamat Dok lang ang regular show nito, samantalang si Bernadette pa ang nalagay sa TV Patrol Sabado at Linggo na “pinangarap” rin nito umano.

As for Karen, hindi natin batid ang katotohanan dito dahil ang ganda na rin ng puwesto niya’t top-rater ang TV Patrol World gabi-gabi at banner news program ng Dos, worldwide. Pero sabi nga namin, baka hindi na rin siya happy rito.  Wala pa kasi tayong nababasa o naririnig na pag-deny ni Karen sa isyung ito, as of press time.

Sabi-sabi, until June na lang ang contract nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa GMA at wala na itong mga planong mag-renew dahil tinanggap na nito in principle ang offer ng Singko na sa kanila na lumipat and of sure, mas “tempting” at “irresistible” na naman ang TF.

Siguro naman hindi lang TF ang basehan ng mga naglilipatang stars na ito, kundi maaaring may nakita rin silang factor like personal and professional growths for themselves as artists, dahil they’re not getting any younger at all, huh!

So, abangan na lang po natin sa mga susunod na buwan kung trulili ang lahat nang ito, ‘noh!

‘Yun lang and babu!

For feedback and comments, please email us at mell_navarro@yahoo.com.ph

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

6 thoughts on “Regine Velasquez at Ogie Alcasid, lilipat na rin sa Singko?!

  1. sus.. c regine at ogie lilipat eh super loyal kapuso yan_. . ano 2 joke! well.. maliban nlng kng may mgs2han na project sa tv5 c regine.. pro hnd tlga kc lhat ng gus2 nya bnbgay ng GMA. jeje

  2. sana lang with all of these changes in Pinoy TV sana magawan na din ng TV5 na mapanood na namin dito sa North America. Just like TFC and GMA na available sa TimeWarner Cable. The more filipino channels available the better. So please tell TV5 to expand coverage worldwide….We are excited to see other talents na naburo lang sa ibang networks. Maybe Angel Locsin, all those talents nung 80’s and 90’s e magkaroon ng shows sa TV5 at mapanood naman namin dito sa US.

  3. regine will defenitely stay on gma 7,,she has A SOAP ENTITLED “DIVA”!!! Anu b itong writer n ito… wl mn lng cridibility…

  4. O e bakit sa iba na lilipat kahit me work pa eh wala kayong masamang sinasabi unlike ke Angel Locsin na hanggang ngayon hinuhusgahan pa din at sinasabihan pa din ng kung anu-ano? Wala silang pinagkaiba…kung di na masaya fly na! yun na un! Kaya Angel kung di kana ulit masaya sa dos fly ka sa five ganun lang talaga ang buhay…

Leave a Reply

Your email address will not be published.