Regine Velasquez at Ogie Alcasid, ibinawal ang entertainment media sa birthday party ng anak

SA FIRST birthday party ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Nathaniel James o Baby Nate on Thursday, magiging pribado raw ito at ipatutupad ang ‘no-invitation, no-entry policy’.

Gusto raw ng mag-asawang Regine at Ogie na mag-enjoy ang mga bisita na walang TV crew na sumusunod sa mga bisita.

Ipasasara ng mag-asawa ang birthday party para lang sa pi-ling guests, kamag-anak at iba pang kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Maging sa mga showbiz media ay hindi ito pabubuksan kaya humingi ng paumanhin ang mag-asawa sa entertainment press sa hindi nila pagpapahintulot na mai-cover ang first birthday ng kanilang anak na si Baby Nate.

Maski na ang GMA 7 na home network ng dalawa, pinakiusapan din nila na huwag nang magpadala ng TV crew at ibalato na lang daw sa kanila na ma-ging pribado ang birthday party ni Baby Nate.

Bilang respeto ng GMA 7 kina Regine at Ogie, pinagbigyan ng showbiz news program at mga entertainmen press ang pakiusap ng mag-asawa.

Gusto raw ng mag-asawa na mag-enjoy ang mga bisita at sila rin na ma-enjoy ang first birthday party ng kanilang anak.

Ayaw nilang mayroon pang iba silang pinagkakaabalahan. Gusto raw nilang tumutok lang sa kanilang anak at sa buong party.

Sabi pa ni Regine, hindi naman daw sila naging maramot sa ilang personal events  nila gaya ng wedding, kaya nakiusap na pagbigyan naman sila sa kaarawan ni Baby Nate.

Bukas naman ang mag-asawa na ipamahagi sa press ang mga larawan na kuha pagkatapos ng birthday party.

Ang tanong, may magkainteres pa kaya sa mga larawan na kuha sa first birthday party ng kanilang anak?

 

DAPAT TULARAN ng kapwa niya artista si Glaiza de Castro na mapansin lang ay papayag na kaagad mag-pose nang seksi sa isang men’s magazine.

Sabi ni Glaiza, matagal na siyang inaalok na mag-pose ng seksi sa men’s magazine pero pinaprangka raw niya kaagad ang mga ito na ayaw niya.

Ayaw rin ni Glaiza na mag-endorso ng sigarilyo at alak.

“Ayoko pong mag-endorse ng alak o sigarilyo. It’s something against my principles,” pahayag ni Glaiza na kahit na gumaganap siyang maldita at tumatanggap ng daring role sa telebisyon ay ‘di raw talaga siya confident na mag-endorso ng ‘di niya feel.

Wala naman daw kinalaman ang religion niya. So happen lang daw na ‘di siya comfortable na mag-pose nang seksi sa isang men’s magazine.

Sa TV o pelikula, okey lang daw na magpaka-daring siya. Basta raw ‘yung role ay may bawi, may redemption. Alam din ni Glaiza na malaki ang fee na ibabayad sa kanya kapag tinanggap ang pag-eendorso ng alak at sigarilyo.

Kahit na malaki rin ang pangangailangan nila, malaki pa rin ang paniwala ni Glaiza na makararaos sila na hindi kailangang gawin ang ‘di niya feel gawin sa sarili.

 

INILABAS NI Gladys Guevarra  ang galit sa kanyang Twitter dahil sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa hiwalayang Paolo Contis at Lian Paz.

Masama ang loob ni Gladys dahil pinalalabas daw diumano na parang siya ang nagsimula ng panibagong  gulo sa buhay ng estranged couple na siya raw diumano ang source ng balita na may ibang babae si Paolo.

Apela ni Gladys, huwag siyang idamay sa ka-cheapan daw na nangyayari kina Paolo at Lian. Ginamit ni Gladys ang mga salitang makapal ang mukha at kawalang-hiyaan para mailabas ang galit na nararamdaman laban sa tao na kanyang tinutukoy pero hindi niya pinangalanan.

 

LIMANG ARAW nagbakasyon sa Dubai sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado at sa ganoon din daw tagal na araw ay lagi raw silang nasa labas para ma-enjoy ang iba’t ibang activity na kanila naman daw ini-enjoy.

When ask kung nagkaroon din ba sila ng romantic moment kahit isang araw habang nasa Dubai? Isang napakatamis na ngiti at sabay sabi ni Jennylyn ng: “Oo.”

So patunay lang na hindi totoo na nagkakalabuan na ang dalawa dahil mismong mother ni Luis na si Vilma Santos ang nagsasabi na walang katotohanan nagkakalabuan na ang anak at si Jennylyn.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Regine Velasquez at Ogie Alcasid, ibinawal ang entertainment media sa birthday party ng anak

Leave a Reply

Your email address will not be published.