Regine Velasquez at Ogie Alcasid, gustong tsugiin ng GMA execs sa bagong Sunday variety show?!

DAHIL SUNUD-SUNOD NA binatikos ang up-coming Sunday show na Party Pilipinas sa GMA-7 kahit na hindi pa ito nagsisimula, e, umeksena na raw ang mga top executives at kinausap nang masinsinan ang mga production officials.

Kinuwestiyon daw kasi ng GMA executives kung bakit title lang ang iniba pero halos pareho ang lahat magmula sa hosts hanggang sa mga production people.

Sabi pa, kung gagawa sila ng aggressive move para matalbugan ang ASAP XV ng Dos ay kailangang maging bago ang lahat sa paningin ng mga televiewer.

Pero naglakas-loob na nagtanong ang isang production official: “Paano po sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na pinangakuan po natin ng bonggang show in exchange for their loyalty sa network natin?”

Oo nga naman. E, hindi birong talent fee at mga shows ang prinamis ng TV5 sa kanila tapos aalisin sila as hosts sa Party PIlipinas? Parang ang hirap gawin, hendehvah?

Hayun at binigyan ng GMA executive ang production people ng ilang lingo para mag-present ng super-bonggang concept ng Party Pilipinas na magpapataob daw sa ASAP XV.

“Basta, be sure na tayo ang magbi-victory party after the launch of Party Pilipinas at hindi ‘yung katapat natin, ha?!” Pagbibigay ultimatum pa ng isang top executive ng GMA7.

ABA, MAY MGA pinopormahan na palang mga tsiks si Ryan Christian Recto!

For the record, turning fourteen na si Ryan at nasa Grade 7. And when asked kung nagagalit ba si Daddy Ralph sa ginagawa niyang panliligaw, aba’y hindi!

Excited at suportado pa nga ni Daddy Ralph si Ryan sa panliligaw. “Idol nga niya ang Kuya Luis niya, e,” sabi pa ng husband ni Vilma Santos. Hmm… mukhang alam ni Daddy Ralph na medyo mahilig sa tsiks si Luiz Manzano, huh!

But of course, kahit ine-encourage ni Daddy Ralph si Ryan sa kanyang panliligaw, e, lagi niya itong pinapayuhan na ‘wag manloko ng mga girlets. I-enjoy lang daw ni Ryan ang kanyang pagiging young, ang kanyang first crush, first girlfriend at first, ehem, ganu’n!

At kapag humingi si Ryan ng pang-date, sigurado, suportado rin ‘yon ni Daddy Ralph although hindi pa naman daw naglalambing ng budget sa kanya ang kanyang bunso. Siguro, malaki ang allowance ng bagets kaya ganu’n. Hek-hek-hek!

Kapag nagkataon, ang lucky-lucky naman ng magiging girlet ni Ryan. Teka, true ba ang nabalitaan namin na isa sa kanyang mga crushes, e, si Angel Locsin?

Hmmm… mukhang hindi natatakot si Ryan sa kanyang Kuya Luis, ha?

BABALA: GUSTONG BIGYAN ng warning ng veteran fashion designer and salon owner na si Rey Gotengco ang mga kasamahan niya sa fashion world at sa iba pang mga salon owners na mag-ingat sa kanyang dating tauhan na si Jason Dogillo.

Sabi ni Mama Rey, niloko raw siya ng dati niyang tauhan at nakuhanan siya ng cash and branded make-ups na nagkakahalaga ng kulang-kulang P15,000.00 pesoses.

Kaya next time na tatanggap ng bagong tauhan, mas maganda siguro kung mai-background check nang mabuti para mahirapang manloko ang mga manloloko, okidoki?

For reactions, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

28 thoughts on “Regine Velasquez at Ogie Alcasid, gustong tsugiin ng GMA execs sa bagong Sunday variety show?!

  1. hindi kami excited , 4SURE SA START LNG YAN AFTER WALA NA BULOK AGAIN TAPOS LUMA LUMA STYLE HAYYYY SA NAME PALANG , SOP DATI NGYON ANO pp NA …. WAT IS DAT? WALA NA BAH IBA NAME MA PULOT? KAHIT ANO GAWIN NYO JAN KAHIT MALAKI PA STAGE NYO AT BAGO PERO SA MANGA ARTIST NYO KULANG SA WORKSHOP AT TALENT WALA PARIN YAN. AKO SA INYO WATCH NLNG KAYO NG ASAP

  2. wala ng magpapataub sa ASAP…the best talaga kahit kailan…lahat ng stars kasi ng abs ei binibigyan ng magmnt ng chance…hindi parepareho ang sinasalang nila…pang international pa ang ASAP…

  3. ano ba yang gma.. ang yayabang magsalita.. palitan na ninyo ang mga artista ninyong gurang at laos…. pwede ba lahat ng sikat ngayon nasa asap…. kaya hindi nila mapapataob ang asap….

  4. wizz ko lang mapataon nila.. pero i doubt it! star studed ang ASAP xv unlike SOP/Party pilipinas puro mga pastar lang. bwahahahha! :-) peace!

  5. Ang dapat ilagay na hosts ay sina Sunshine Dizon, Yasmien Kurdi at Wendell Ramos. Siguradong papatok! lol

  6. Pag kukuha kayo ng tauhan, siguraduhin niyong kakilala o kamag-anak at hindi kung sinu-sinong hampas-lupang pinulot kung saan-saan! Pinagsa-saksak na parang baboy ang kuya ng kaibigan ko dati ng katrabaho niya para makuha ang 20,000 na hawak nito (siya ang humahawak ng pera ng amo nila.)

    Delikado ang panahon ngayon. Wala ng awa-awa sa mga hindi niyo kilala. Kung wala silang makuhang trabaho eh tough luck. Let ’em cake!

  7. cge nga tsugihin ng GMA execs c regine&ogie, kya nman kya hahaha.. tska helo.. ang pnget kc ng audio nla un ang iimprove nla_.. and cno nman mga sngers ang illgay nla. Wla nmn na mga da who? duh!

  8. good move GMA 7. dapat talagang palitan ang mga hosts ng Party Pilpinas na formerly known as SOP. sa totoo lang, GMA needs something new so they can compete with ASAP.

  9. Regine – ang tanging kanguso na may totoong talent…

    tspu tsu-tsugiin pa ng GME???

    kawawa naman! hahhaa

  10. Kowek! Nakakadiri talaga ang PDA ng dalawa. Masagwa na turn off pa. Mukha na pating hoochie mama si chona

  11. chuvatica,

    Ibalik ang Penthouse Live at si Ogie at Regine ang mag-host????????LMAO! This will be the surest way to have a super flop show dahil hindi magaling at super trying hard mag-ingles si Regine at Ogie. Ibang level sina Pops and Martin noon……

    Isa pa, wala talagang kilig ang Og-Re love team at naiirita ang mga viewers!

  12. They should remove Ogie and Regine from the show. Nagiging super baduy at pangit ang show because of the two lalo na yung constant gross PDA ng dalawa na kakaturn off sa mga viewers.

  13. ngayon pa kayo magbi-victory party sa showing nang party pilipinas na halos isumpa kayo sa patutsada nyo sa asap during your finale episode!

  14. inuunahan na naman kasi nang YABANG nang mga kapuso, may pavictory-victory party pang nalalaman! style nyo talaga BULOK!

    #1 ANG ASAP party NATIONWIDE, WORLDWIDE!

  15. IBALIK ang format ng Penthouse Live noon sina Pops and Martin pa ang host! sa 2010 sina Regine at Ogie ang host…

  16. si welma na lang ang ilagay nila sa party pilipinas. saka si jolinggoy, claudine, bayani, lahat ng mga nag ober da bakod para masaya

  17. Ano ka ba Joey Sarmiento, kabata bata pa ni Ryan Christian Recto iniintriga mo na… Lubayan mo yun bata!

    • ayan na naman ang gma, walang iniisip kundi ang mapataob nila ang kalaban; dapat isipin muna nila kung papano mapapaganda ang kanilang show dahil pag napaganda nila ito ay duon lang mai-enganyo manood ang mga tao, di ba wilma galvante?

      • korek, wala na kc inaatupag kundi pataubin ang kalaban dapat kung pano masasayahan ang viewers…

Leave a Reply

Your email address will not be published.