Regine Velasquez at Ogie Alcasid, ‘di nagpakasal ng palihim – Boy Abunda

LAHAT NG BABAENG nagmamahal ay gustong makasal at makasama forever ang taong kanyang minamahal. Sino ba naman ang ayaw ikasal? Meron ding ayaw pero karamihan ay gusto ng kasal. Every woman ardently desires to make her dream wedding turn into a reality. Mapa-church, garden o beach wedding man ito. Minsan nga, kasama pa sa mahabang listahan ng wedding preparations pati ang haba ng lalakaring aisle ng bride. Isama pa rito ang bridal gown at make-up. Kaya nga sinasabing brides are stunningly beautiful on their wedding day. Naabot na nila ang langit ‘ika nga kahit kalbaryo naman ang sinusuong nila pagkatapos ng kasal.

Like other women in-love, Regine Velasquez also dreams of marrying boyfriend Ogie Alcasid. The two have been playing sweet music together for a long time. Regine flatly denied the rumors that they got married secretly. Regine always prays that one day she will become Mrs. Ogie Alcasid. “We’re always praying for that. Hanggang doon na lang muna. You’ll never know.”

Oo nga naman. You will never know what lies ahead. Noon, hindi mo aakalain that Ogie, Regine and Michelle Van Eimeren will become good friends. In fact, Regine and Ogie will fly to Australia in November to attend the wedding of Michelle and fiancé Mark Murrow. Who knows, baka sa susunod ay sina Michelle at Mark naman ang magpunta rito to attend Ogie and Regine’s wedding?

“Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy” ni Ogie at Regine. At sa bandang huli, the songbird and the songwriter can use their hit songs in professing their love for each other, “Pangarap Ko ang Ibigin Ka dahil Sa Piling Mo ‘Di Na Mag-iisa Magpakailanman.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Regine Velasquez at Ogie Alcasid, ‘di nagpakasal ng palihim – Boy Abunda

Leave a Reply

Your email address will not be published.