Regine Velasquez at Ogie Alcasid, aattend sa kasal ni Michelle Van Eimeren

Napakaganda ni Regine Velasquez sa launching ng kanyang perfume line para sa HerBench, na ginanap sa Mall Of Asia noong Biyernes nang gabi. Nagmistulang mini-concert ang nangyaring launch dahil kumanta si Regine ng ilang mga awitin’g patok na patok sa mga fans tulad ng And I Am Telling You, Tuwing Umuulan at Kapiling Ka, Alone, I Will Survive” at marami pang iba.

Siyempre, nandoon din ang kanyang boyfriend na si Ogie Alcasid, na nagsilbing photographer ni Songbird dahil nagkukukuha ito ng litrato habang nagpe-perform si Regine sa entablado. Pinaakyat pa ni Regine si Ogie sa stage at binati pa ito ng Happy Birthday. Kinilig ang mga fans nang mag-kiss pa ang dalawa!

Speaking of Ogie, handa na pala ang lahat sa pagbisita ni Ogie sa Australia para um-attend ng kasal ng kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimeren. Kahit magkahiwalay na ang dalawa, malapit at close pa rin sila sa isa’t isa pati sa mga anak nila. Si Regine din ay pormal nang pinakilala ni Ogie sa kanyang mga anak kay Michelle. Binuking ni Regine ang plano ni Ogie na isama siya sa Australia. “Yes, we’re going to attend the wedding of Michelle. We’re both excited na nga, e,” pahayag ni Regine.

At sa katatapos lang na birthday celebration ni Ogie, binahagi ni Regine ang kanyang naging regalo kay Ogie. “I just bought him a sound system ‘coz I want him to have a decent sound system. ‘Coz he used to arrange music and I want him to continue that. Minsan kasi may maririnig kang mga tahol ng aso sa mga demo tapes niya kaya ko siya binilhan nu’n,” kuwento ni Regine. May kasama pa nga raw na mamahaling mikropono ang binili ni Regine. At mismong sa US pa nga daw ito binili.

Kinuwento din ni Regine ang kanilang naging road trip ni Ogie sa Tagaytay kamakailan. Wala raw silang ginawa kungdi ang magkantahan at magkantahan lang sa daan at dinala pa daw siya ni Ogie sa isang magandang restaurant. Masaya ang Songbird na nagkaroon sila ng pagkakataon ni Ogie na mag-spend ng oras together dahil minsan daw sa busy at hectic ng kanilang mga schedule ay hindi na sila nagkikita.

Naku, napanood din pala namin ang pilot ng Celebrity Duets noong Sabado at natawa naman kami sa ilang performances doon. ‘Yung iba ay okay pero may ibang medyo katatawanan lang talaga. Gusto namin ang naging number ni Gina Alajar at Arnell Ignacio. At hindi na namin sasabihin kung sino yung pinagtawanan na lang namin nang husto dahil obviously, ginawa lang niyang katatawanan ang kanyang sarili. Mapera naman siya, kaya mukhang dadaanin na lang talaga niya sa text votes para manalo siya! Pero dapat niyang tandaan na kahit manalo siya diyan, ‘di pa rin niya mababago ang tingin ng mga tao sa kanya. Ang cheap, huh!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.